NED'S POV
Kahit takot na takot ang mga kasama ko, kailangan kong lakasan ang aking loob.
Kung nakalabas man si Gia, may pag-asa ding makakalabas pa kami.
Pagkatapos mag-kwento ni Elise tungkol sa nangyari sa bahay na ito, alam ko na ang ibig sabihin ni Sheila.
Kung bakit ganun ang sinasabi niya sa akin.
Kung bakit galit na galit siya.
Tama siya.
Malaki ang kasalanan namin.
Maging sa babae sa may bodega, malamang iyon si Sandra.
Pero hindi ko ginusto iyon.
Hindi namin sinasadya.
Napabuntong hininga ako.
Kailangan kong balikan ang isang pangyayari na pilit kong kinalimutan.*flashback*
"Yehey, Baguio! Ang sarap ng hangin. So refreshing." Natutuwa ako.
"I know right bro. That's why I always spend holidays here." Sabi ng nagmamanehong si Troy. Pinsan ko.
"Oh yeah, and you influenced me bro. So I now consider Baguio as my second home." Ani Axel na nasa backseat ng kotse. Bestfriend ni Troy.
"No regrets right?" Nakangiting wika ni Troy.
"Of course. That's why we're here. Checking on my properties." Sagot ni Axel.
Nandito kami sa Baguio para makita yung binili ni Axel na properties.
Sabit lang naman ako dito eh. Nagkataong walang pasok kaya niyaya ako ni Troy.
I've never been to Baguio so I'm excited.
Madilim ang daanang aming tinatahak at walang ibang motorista kaya medyo mabilis magpatakbo si Troy.
"Wow, ang cool naman ng bahay na yan." Sabi ko.
Dahil nasa harapan ako ng kotse katabi ni Troy kaya kahit malayo pa ang bahay ay napansin ko na ito.
Malaki at puting puti ang kulay nito.
"Ah.. that is the famous white house." si Axel ang sumagot.
Saktong nasa tapat na kami ng bahay ng biglang may dalawang nakaputing babae ang mabilis na tumakbo palabas ng gate.
Agad naapakan ni Troy ang preno.
BLAG!!
Pero huli na, nahagip ang dalawang babae.
Tumama ang kanilang ulo sa bumper ng kotse.
Dahil nasa harap ako, kitang-kita ko ang dahan-dahan nilang pagbagsak.
Nakakapagtaka din na nakatingin sila sa akin.
Bago pa sila tuluyang bumagsak, humingi sila ng tulong.
"Maawa kayo..." duguan sila. Parehong may sugat sa ulo.
"Troy, bilis dalhin natin sila sa ospital." Baling ko kay Troy.
Hindi ito kumikibo. Tulala at nabigla sa nangyari.
"Hindi pwede. Tara na may mga palabas ng lalaki." Wika naman ng kabadong si Axel.
"Pero... " tanggi ko.
"Troy bilis, nandiyan na sila. Sigaw ni Axel."
Parang natauhan naman agad ito.
Napatingin ako sa gate ng bahay.
Tatlong lalaking may mga baril ang papalabas.
Nataranta na si Troy kaya agad pinasibat ang kotse.
Sa tulong ng side view mirror, nakita ko pa nung pilit hinahatak ng mga lalaki ang dalawang babae.
"Naalala mo na?" Biglang sumulpot si Sheila.
Nagyakapan naman sila Shane at Alaine.
Takot sila kay Sheila, ngayong alam na nilang patay ito.
"I'm sorry Sheila. God knows hindi namin ginusto iyon."
"Bakit tinakbuhan niyo kami?" Usig pa rin ng dalaga.
"Siguro dahil tama ka. Na-duwag kami nang makita namin ang mga lalaking may baril." Mahinahon kong sabi.
"Kung tinulungan niyo kami baka buhay pa kami." Umiiyak si Sheila.
"I'm sorry. Pinagsisisihan kong naging duwag kami nung gabing iyon." Naiiyak ako.
Nakokonsensiya.
Ang laki-laki ng kasalanan ko.
"Ayon sa kwento ni Elise, nakapagtago ka pa. Paano kang namatay?" Lakas loob na tanong ni Nexor.
Hindi makapaniwalang may kasama silang multo.
At kausap pa!
"Malakas ang pagkakauntog ko. Malaki ang naging pinsala. Maraming nawalang dugo. At unti-unti akong nanghina. Hanggang sa naramdaman ko na lang na hindi ko na kayang lumaban. Ang totoo, hindi ko alam na patay na ako. Pero paulit-ulit sinasabi ni Sandra. Ayoko lang tanggapin." Malungkot si Sheila.
"Naghihiganti ba kayo?" Tanong ko.
Hindi sumagot si Sheila.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...