Chapter 64

1.6K 41 0
                                    


Kakaibang saya ang naramdaman ni Gia ng mapagtantong nasa labas na siya ng white house.

Excited siyang pumasok para balikan ang katawan.

Nakita niya si Sheila.

Masayang pinagmamasdan ang si Aling Martha.

Nakita niyang sinubukang yakapin ni Sheila ang ina pero tumagos lang siya.

"Sheila!" Tawag ni Gia.

Natuwa ito ng makita siya.

"Nakalabas ka Gia." Masayang bulalas ni Sheila.

Ngumiti si Gia.

"Pinalabas ako ng pagmamahal ko kay mommy." At masayang sumulyap siya sa ina.

Ngumiti si Sheila.

"May gusto sana akong hilingin sayo Gia." Ani Sheila.

"Ano yun?"

"Pakisabi kay inay, mahal na mahal ko siya. Ang katawan ko nasa secret room. Sana maipalibing niya ng maayos. Siguro nga oras na para tuluyan na akong magpahinga. Patawad sa inyo Gia, sa mga nagawa ko.. at salamat sayo nabuksan ang puso at isipan ko." Maluwag sa dibdib na sabi ni Sheila.

Nagyakapan ang dalawa.

"Maligayang paglalakbay Sheila" paalam ni Gia.

"Sige na, hinihintay ka na nila." Taboy ni Sheila.

Nginitian niya ito.

Huminga ng malalim si Gia.

At dahan-dahang bumalik sa kanyang katawan.

* * * * * * * *

Lumikot ang mga mata ni Aling Sonia.

Nararamdaman niyang may ibang presensiya sa paligid nila.

Dahil sa biglaang paglamig.

Pero iba ngayon ang hatid nito.

Positibo.

Magaan sa pakiramdam.

Naramdaman din ito ng paranormal na si Tanya.

"May iba tayong kasama." Sabi nito.

Nakaramdam ng takot si Thea at Aling Martha.

"Dont worry, harmless siya." Paniniguro ulit ni Tanya.

Nang maramdaman ni Tanya ang biglang pag-init ng katawan ni Gia.

"Gia, gising na!" Sinubukan niya itong gisingin.

Dahan dahang nagmulat ng mata si Gia.

"Oh Gia, you're back!" Agad siyang niyakap ng ina.

At tinugon naman niya.

Inalalayan siya nitong makatayo.

At tulong tulong silang nag-ayos sa mga kandila.

Nang biglang may naalala si Gia.

Humarap siya kay Aling Martha.

"Pinasasabi po ni Sheila, mahal na mahal po niya kayo. At ang katawan daw po niya ay nasa secret room. Gusto po niyang maipalibing ng maayos." Aniya.

Napaluha si Aling Martha.

At biglang nanlamig.

Tumingin ang matanda sa paligid.

"Nasa paligid lang po siya.." bigay alam ni Gia.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon