Chapter 48

1.7K 44 5
                                    

Alaine's POV

May kung anong pwersang nagtutulak sa akin para lumapit sa kabaong na nasa kama.

Kahit gustuhin kong pumikit ay hindi ko magawa.

May taong nakahiga sa kabaong.

Nangangatal ang aking mga labi.

Nangangatog ang aking mga tuhod.

Babae.

Babae ang nakahiga.

Lumapit akong mabuti upang masilayan ang babaeng nakahimlay.

Nahigit ko ang aking paghinga.

Binabangungot ako.

Iyon ang gusto kong isipin ng aking makilala ang nasa kabaong.

Pumikit ako at dumilat..

Nang paulit-ulit pero iyon pa rin ang aking nakikita.

Ang aking sarili, nakahimlay sa kabaong.

Sumigaw ako pero walang lumabas na boses.

"Huhuhu..."

Biglang may umiiyak sa likuran ko.

Ayokong lingunin dahil takot ako.

Bagkus ay napatingin ako sa babaeng nakahiga sa kabaong na walang iba kundi AKO.

Lumuluha siya.

Kitang-kita ang paglandas ng luha sa mga mata nito.

Na sinasabayan pa ng babaeng umiiyak din sa aking likuran.

Wala akong magawa kundi lingunin siya.

Isa.. dalawa..

Again, i'm shocked!

Ang babaeng nasa kabaong, ang babaeng nakaitim na patuloy sa pag-iyak, at ako...

Ay iisa..

"Ahhhh...." sobrang takot ang lumukob sa akin.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malakas na pwersang humihigop sa akin.

Napapikit ako sa pagkaliyo.

Nang may mga naririnig ako..

"She's too young to die.."

"Ang saklap naman ng kanyang pagkamatay.."

"Condolence po.."

Mga salitang lalong nagpakaba sa akin.

Unti-unti akong dumilat.

Nasa isang malaking kwarto pa rin ako.

Isang funeral home?

Maraming tao.

May mga nag-uusap..

At may mga nag-iiyakan.

Maliwanag ..

Maraming ilaw..

May mga kandila..

At ayun, nandun ang kabaong na nakita kong kinahihigaan ko.

Sa harap ng kabaong, nakita ko ang mom at dad ko.

Pati ang ate ko.

Sobra akong natuwa at nakaramdam ng pagka-miss nang makita ko sila.

Nakalabas na ba ako?

Gaya ni Gia?

Bigla akong na-excite kaya tinakbo ko ang aking pamilya.

Kahit nandun ang pagtataka kung sino ang kanilang pinaglalamayan.

"Mom, Dad." Tawag ko.

Nasa likuran lang nila ako.

Bigla ko silang namiss.

Pero hindi nila ako napapansin.

Hindi nakikita.

Halatang malungkot sila.

Si ate at mommy, mugto ang mata sa pag-iyak.

"Mommy, Daddy, ate, i'm here."

Hindi pa rin ako pinapansin.

Niyakap ko si mommy sa kanyang likuran.

Bakit ganun?

Hindi ko siya mahawakan.

Yumakap ako kay Dad,pero hindi ko rin siya mayakap.

Kinabahan ako.

Sinubukan kong yakapin si Ate.

Ganun din.

Tumagos ako sa kanya.

"I told her naman kasi na sa akin siya sumama, but she choosed to go with them." Pahikbing sabi ni Ate.

"Kaya pala ang bigat din ng loob ko nung nagpapaalam siya. I should have known it. Sana I didn't let her go." Wika ni mommy.

Nakatingin sa kabaong.

Nagtaka ako.

Sino ang kanilang pinag-uusapan?

Kasabay ng kaba.

Ng takot.

Pumunta ako sa harap.

Para malaman kung sino ang patay.

Tug.. tug.. tug..

Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso.

Napatingin ako sa kabaong.

Napatakip sa aking bibig.

Ako..

Ako ang nakahimlay.

Ako ang pinaglalamayan..

Ako ang iniiyakan..

Ako ang patay!

Nag-uunahan ang mga luha sa aking mata.

Nanlalabo ang aking paningin.

"Nooo, I'm not dead. I'm still aliveee...!" Sigaw ko.

Humarap ako kina mommy.

Hindi nila ako naririnig.

"Sshh enough. Nangyari na ang nangyari. We have to accept it. Nasaan man si Alaine ngayon, lalo siyang malulungkot if she saw you crying." Pang-aalo ni Dad kay Mom.

Tama ka Dad, nalulungkot ako, dahil hindi naman talaga ako patay.

Ano bang nangyayari?

A nightmare? Then please somebody wake me up!!

Hindi pa ako patay.

Sinubukan ko silang yakapin.

Tumagos lang ako.

Wala akong nagawa kundi umiyak.

Umiyak ng umiyak.

Hanggang sa muli kong naramdaman ang malakas na pwersang humigop sa akin.

Nawalan ako ng malay.

Paggising ko, nakahiga na ako sa sofa.

Sa loob ng white house.

Pagod na pagod.

Malungkot.

Totoo ba yung nangyari kanina?

Totoo bang nakalabas ako ng bahay at napunta sa isang lamay?

Na ang pinaglalamayan ay AKO??

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon