GIA'S POV
Matagal na akong nakadilat.
Nakikita ko ang parents ko.
Pero naguguluhan pa rin ako.
Alam ko kung nasaan ako.
Pero bakit?
Anong ginagawa ko dito sa ospital?
Nanaginip ba ako?
"How are you Gia?" Nakangiti sa akin ang isang doctor.
Pero ayoko pang magsalita.
Gusto kong isipin ang mga nangyari. Kung paano akong napunta dito.
Nakalabas na ba ako ng white house?
"Ah, siguro hayaan muna natin siyang makapagpahinga. Madalas sa mga nako-coma ang ganyang reaction. Hindi pa masyadong na-absorb ng kanyang utak ang nangyaring accident. Maswerte po ang anak ninyo na after 2 days of being in comatose, nagising agad siya." Mahabang paliwanag ng doctor sa mga magulang ko.
Na lalo kong ikinalito.
Ano daw?
Accident? Kailan? Saan? Paano?
2 days akong na-coma?
Nasa white house lang kaya ako.
Napabalikwas ako ng bangon.
"Ano pong aksidente yun? Kailan? Hindi ako na-coma, galing ako sa white house at di ko nga alam kung paano ako nakalabas. Actually naiwan ang mga friends ko dun. Kailangan nila ng tulong. Hindi sila makalabas." Sabi ko.
Natahimik silang lahat.
Hinaplos haplos ni mommy ang aking buhok.
Tumingin sila sa doktor.
"She dont know what she's talking." nasabi ni dad.
"It was expected Mr. Guevarra. Nothing to worry about. Ang ulo niya ang tumama sa sasakyan so malamang malakas ang naging impact nun kaya na-coma siya ng 2 days. Normal lang po sa mga may ganyang cases na iba ang sinasabi oh ikinikilos. Its a good sign actually coz it only means na nagpa-function na ang kanyang utak." Mahabang paliwanag ng doctor.
Nakaramdam ako ng pagkapikon.
"Ano po bang sinasabi niyo? Wala akong sakit. Alam ko ang sinasabi ko. My friends need some help."
Bakit ayaw nilang maniwala sa akin?
"Its ok Gia.. take a rest. Para mabilis kang gumaling." Nginitian ako ng doctor.
Gusto kong magsalita pero pinigilan ako ni Mommy.
"Anyway mr. and mrs. Guevarra we need to observe her. Kailangan din niyang ma-CT scan just to make sure na walang damage sa ulo." At tuluyan na itong nagpaalam.
Napapikit ako.
Gusto kong magpahinga.
Gusto kong mag-isip.
Alam ko na ang mga naranasan ko sa white house ay totoo.
Kailangan kong tulungan ang mga kaibigan ko.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...