Hindi mapakali si Gia.Gusto niyang lumabas ng hospital at puntahan ang white house.
Nais niyang mapatunayang nagsasabi siya ng totoo at hindi nag-iimbento lang ng kwento.
"Mom, believe me. I am not hallucinating, not even out of my mind. My friends need us." Pilit niya sa mommy niya na may kausap na kaibigang taga-Baguio.
Matagal na itong kaibigan ng mommy niya.
"Let's talk later Gia, I'm still talking with my friend." nakangiting saway sa kanya.
"Its ok Thea. Baka may kailangan ang anak mo." Sabi naman ng babae.
Nasa hospital pa rin siya at under observation pa.
"Yes tita. I really need my mom. But it seems like she dont care." Nagtatampong sabi niya sa kanyang mommy.
"Of course not Gia. I care. I always care for you." Ani mommy Thea.
"Then why are you ignoring me? For God sake mom, it's a matter of life and death." nanlalaki ang mata ni Gia.
Napabuntong-hininga si mommy Thea.
Naging interesado naman ang kaibigan nito.
"Let me talk to her." Sabi nito at lumapit kay Gia.
"Please po. Nakulong sila sa loob ng white house. Im just so lucky na nakalabas pa ako." Ani Gia.
"White House? How did you get in there? Ang alam ko, ipinagbawal ang pumasok dun." Sabi ni Tanya. Ang friend ni Mommy Thea.
"It was a long story po tita. Baka hindi ka maniwala. Coz even me, I hardly believe it." May pag-aalinlangan si Gia.
Baka sabihin talagang nawawala ako sa sarili.
Nagtinginan sina Thea at Tanya.
"Pasensiya ka na Tanya, mula ng magising siya, iba na ang sinasabi niya. But the doctor said its normal. Epekto daw ng pagkaka-untog niya." Paumanhin ni mommy Thea.
Nginitian ni Tanya si Gia. Saka bumaling sa kaibigan.
"Thea, i'm not just a psychologist. I am also a paranormal investigator." Bigay alam ni Tanya.
"R-really?" gulat si Thea.
"So naniniwala po kayo sa akin?" Natutuwang sabi ni Gia.
Tumango si Tanya.
"Tanya, you dont have to.. " pigil ni mommy Thea.
"Friend, I can handle this." Sagot ni Tanya.
Wala ng nagawa pa si Mommy Thea.
Umupo ito sa couch at nakikinig lang sa anak at kaibigan.
"Gia, can you tell me the whole story? About the white house, about your friends, and whatever you wanna share. Dont worry, I will listen." Pinisil ni Tanya ang palad ni Gia.
Tinitigan muna ni Gia ang kaibigan ng kanyang mommy.
Pinag-aaralan kung totoo ang sinabi nito.
At nang makasiguro, nag-umpisa na siyang magkwento.
Mula umpisa hanggang sa magising siyang nasa hospital na.
Halatang natakot ang mommy niya. Samantala, panay naman ang pagkunot noo ni Tanya.
Natahimik ito.
"Now tell me you believe in me." Pagsusumamo ni Gia.
Hindi pa rin ito kumikibo.
Napahinga ng malalim.
"I told you Tanya. She's still in shocked.." saad ni Thea.
"No Thea, I believed her. Ramdam ko ang kanyang takot habang nagkukwento. Besides, may mga cases na kapag tulog ang isang tao, naglalakbay ang kanilang kaluluwa. In Gia's case, she's in coma. So there's a big possibility na pansamantalang humiwalay ang kanyang soul sa kanyang body. At napadpad nga ang kanyang soul sa white house. At its a good thing na nag-responce siya sa tawag niyo. Bumalik siya dahil tinawag niyo. Now if she's saying na naiwan ang mga friend niya dun, delikado. Lalo na at sinasabi niyang pinamamahayan iyon ng mga kaluluwa." Mahabang paliwanag ni Tanya.
Kahit paano ay nakaramdam ng ginhawa si Gia.
Atleast may naniniwala sa kanya.
Samantalang parang hindi pa rin kumbinsido ang mommy niya.
"But about the accident, I dont have any idea about it. I cant remember na naaksidente kami." Helpless si Gia.
"Dont think about it muna." Ani mommy Thea.
"Is there any chance po ba na matulungan natin silang makalabas?" Tanong ulit ni Gia.
Hindi sumagot si Tanya.
Tumingin lang sa kanyang mommy.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...