*flashback*
Hindi pa natutulog ang mag-asawang Zaragosa at papunta sila sa kwarto ni Jasper para silipin sana ito dahil takot ito sa madilim nang makarinig sila ng malakas na ingay.
"What's that?" Gulat na tanong ni Serena sa asawa.
"Bigla akong kinabahan. Ang pagkamatay ng mga ilaw, now may mga nabasag.. something is wrong." Ang higpit ng pagkakahawak ni David sa hawak na flashlight.
"Oh my god. Pinasok tayo ng magnanakaw?" Kabadong sabi ni Serena.
"I'll check it. Now go to Jasper's room." Utos ni David.
Atubili pa si Serena.
Pinatay ni David ang flashlight para hindi nito maagaw ang atensiyon ng kung sinuman ang pumasok sa kanilang bahay.
Mabuti na lang at kabisado niya ang bawat sulok dito.
Nasa may hagdanan pa lang si David ay narinig na niya ang pagsigaw ni Sandra.
"Damn you Aldred!"
Lalong kinabahan si David nang marinig ang anak.
Mabilis siyang nakababa.
Agad inilawan ng kanyang flashlight ang mga naaninag niyang gumagalaw.
At nabigla siya sa nakita.
Nakayakap ang kamay ni Aldred sa leeg ni Sandra.
Nasasakal na ang dalaga.
At umiiyak ito.
Ibinaling niya sa isa ang flashlight.
Kitang-kita ang hirap na hirap na si Sheila sa pagkakatangan ng lalaki.
"Huwag kang makikialam dito, o pasasabugin ko ang utak mo!" Sigaw ni Aldred kay David.
"Don't do that Aldred. Let's talk about this." malumanay na pakiusap ni David.
Tumawa si Aldred. Tinutukan ng baril si David.
"Pucha naman, marunong pala kayong makiusap. Bakit hindi itong anak niyo ang pakiusapan niyo? Pakiusapan niyong mahalin ako!" Sigaw ni Aldred. Ngumisi ang mga kasama nito.
Natakot si David. Hindi lang kasi lasing ang mga lalaki.
Halatang mga bangag.
"Pero hindi pwedeng pakiusapan ang pag-ibig. Maawa ka sa anak ko." Muling pakiusap ni David.
"I'm sorry Aldred, pero gaya ng lagi kong sinasabi sayo, wala pa sa isip ko yan. I want to finish my studies first." Umiiyak nang sabi ni Sandra.
"And like what I'm always telling you, I will never be a hindrance, but I will be an inspiration to you. Together we will reach your dreams." Nakangisi at tila nauulol na ito.
Hindi pa nakuntento, dinilaan niya sa tainga si Sandra.
Pandidiri at pangingilabot ang naramdaman ni Sandra.
Nagpumiglas siya pero agad itinutok ni Aldred ang baril sa kanyang tagiliran.
"Stop it Aldred pls. Huwag mong babuyin ang anak ko.!" Galit na sigaw ni David.
Hindi natinag si Aldred.
Muling dinilaan sa pisngi si Sandra.
Napaiyak na lang si Sandra.
Habang tahimik ding lumuluha si Sheila.
Awang-awa para sa kaibigan.
Pero wala siyang magawa, may baril na nakatutok sa kanya.
Ang isang lalaki naman ay dalawang kutsilyo ang hawak.
Napapikit na lang siya.
"Hayup ka Aldred!" Sigaw ni Sandra.
"I'm just giving you a reward babe. Isang taon rin naman akong nanuyo sayo. But it so sad to end up like this. Ayaw mo sa santong dasalan, pwes makuha ka sa santong paspasan. Bwahahaha" parang demonyong tumawa si Aldred.
"Hey, what are you doing to my ate?" May biglang sumigaw sa may hagdanan.
Nakatutok ang hawak na flashlight kina Aldred at Sandra.
"Jasper, get back to your room." Utos ng ama.
"But I'm scared papa. Ang dilim." Anang bata na nakatingin kay Sandra.
"We are playing Jasper. Wanna join?" Sabat ng lalaking may hawak kay Sheila.
"Please, spare my brother." Pakiusap ni Sandra.
"Is that a gun? Then why ate Sandra and ate Sheila look scared? And they're crying." Naguguluhang tanong ni Jasper.
"Jasper, let's go." Ani Serena na nasa likod ng bata.
Nilingon siya nito.
"And you're crying also mama." Puna nito sa ina.
"Peste, alisin na nga ang batang yan ang ingay." Sigaw ng lalaking may hawak ng kutsilyo.
"Ikaw ang umalis. Bad kayo! Pinapaiyak niyo ang mga ate ko." Sigaw din ni Jasper at tinakbo ang lalaking may hawak ng kutsilyo at kinagat sa kamay.
"Arayyy!!" Atungal ng lalaki at pilit hinihila ang kamay sa pagkakagat ng bata.
Tumakbo si Jasper patungong hagdanan pero hinabol siya ng lalaki na nandilim na ang paningin. At nang maabutan ay sunod-sunod na saksak sa likod ang ginawa hanggang sa bumulagta ang katawan ng kawawang bata.
"Jasperrrr!!!"
Sabay-sabay ding sigaw nila David, Serena, Sheila at Sandra.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...