Chapter 52

1.9K 44 11
                                    

Papunta sila Gia ngayon sa may white house.

Gustong mapag-aralan ni Tanya ang lugar.

Gusto niyang alamin kung gaano kalakas ang pwersang bumabalot sa bahay.

Kung ito ba'y may negatibong enerhiya o positibong enerhiya.

Kailangang makasiguro sila sa gagawin ni Gia.

Pagdating nila sa lugar, may dalawang matanda sa may gate.

May pagtataka sa mga mukha ng mga ito ng lumapit sila Gia, Thea, at Tanya.

"Anong kailangan nila?" Tanong ng isa sa matanda.

"Ahm.. may pag-aaral po sana kaming gagawin ukol sa bahay na ito. Alam niyo po ba kung sino ang aming pwedeng kausapin para makapasok?" Sabi ni Tanya.

Nagtinginan ang dalawang matanda.

"Anong pag-aaral? Wala kasi ang mga may-ari ng bahay. Nasa america din ang mga kamag-anak nila kaya malabong makausap niyo sila." Wika ng ulit ng matanda.

Halatang nalungkot sila Gia.

"Kailangan kasi talaga naming makapasok.." parang maiiyak si Gia.

"Pasensiya na ineng. Ipinagbabawal talaga ang pumasok eh. Sa totoo lang, ako ang caretaker dito at matagal ko ng gustong pasukin ang loob." May lungkot sa boses ng matanda.

Natigilan si Gia.

Parang nakita na niya ang dalawang matandang ito, hindi lang niya maalala kung saan at kailan.

"Bakit naman po gusto niyong pumasok?" Interesadong tanong ni Thea.

Biglang nalungkot ang matanda. Tumingin sa kasama.

"Hanggang ngayon kasi.missing pa rin ang anak ko. Pero malakas ang kutob kong nasa loob lang siya." Anang matanda na walang iba kundi si Aling Martha.

Bigla namang nalinawan si Gia. Naalala niyang ang dalawang matandang ito ang nakita nila noong nasa loob pa siya ng bahay.

Ang Inay ni Sheila.

"Kayo po ba ang nanay ni Sheila?" Paniniyak ni Gia.

Gumuhit ang gulat sa mukha ni Aling Martha.

"Kilala mo si Sheila.?" Natuwa bigla ang matanda.

"N-nakasama ko siya diyan sa loob ng bahay.." sagot ni Gia.

"Paano? Kailan? May isang taon ng nawawala ang kanyang anak." Sabi na kasama ni Aling Martha na si Sonia.

"Mahirap pong ipaliwanag. Pero ang nasisiguro po ni Gia ay nasa loob lang ng bahay ang anak ninyo." Saad ni Tanya.

"Nasa loob din po ang aking mga kaibigan. They need our help." Wika pa ni Gia.

Naguluhan ang dalawang matanda.

"Hindi niyo siguro maintindihan pero ipapaunawa po namin. Saan po ba tayo pwede mag-usap?" Ani Tanya.

Niyaya sila ni Aling Martha sa kanyang bahay.

Ipinaliwanag nila ang sitwasyon.

Nagulat pa ang dalawa ng malamang isa si Gia sa mga naaksidente.

Parang ayaw maniwala ni Aling Martha sa mga kwento ni Gia pero ng isinalaysay niya ang kwento ni Sheila tungkol sa pamilya Zaragosa ay napaniwala din siya. Detalyadong detalyado kasi niya ang pangyayari.

Samantalang madaling naniwala ni Aling Sonia dahil isa itong Albularyo at naniniwala sa mga ispirito.

Kaya naman ng sinabi nila ang plano ni Tanya para matulungan ang mga naligaw na kaluluwa ay nangako agad itong tutulong.

Planado na ang lahat.

Isa na lang ang problema, ang awtorisasyong makapasok sila sa loob ng white house.

"Habang naghahanda ka Gia, pipilitin kong makontak ang kamag-anak ng mga Zaragosa para payagan tayong makapasok." sabi ni Aling Martha.

At nakabuo sila ng plano.

* * * * * * * *

Elise's POV

Masaya ako para kay Gia.

Nakalabas na nga siya ng bahay.

Pero bakit hindi niya kami nakikita?

Kahit anong tawag at kaway namin kanina, hindi niya kami pinapansin?

Alam naman niyang nandito lang kami sa loob eh.

Saan kaya sila pumunta ng nanay ni Sheila?

Matulungan kaya nila kaming makalabas din?

Sabagay, alam kong kami ang dahilan kaya nasa labas sila kanina.

Alam kong gumagawa siya ng paraan.

Sana naman.

Buti pa si Gia, kasama na niya ang mommy niya.

Hay, nakakamiss ang family ko.

Kailan ko kaya sila makakasama?

Nakakalungkot na dito, lalo na si Alaine.

Mula nang makalabas si Gia naging tahimik na siya. Madalas ding umiiyak.

At may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.

Parang may itinatago siya.

Ano kaya yun?"

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon