"Sheila?" panabay na sabi nila Gia at Nexor.Tumango si Sheila.
"Anak ako ng katiwala dito. Sa labas ng gate may kabahayan, doon kami nakatira." ani Sheila.
"So, how did you get in here?" usisa ni Shane.
Nagkibit-balikat ito.
"Sabihin na nating pareho ng nangyari sa inyo. Mahirap ipaliwanag. Punong puno ng kababalaghan." ani Sheila.
"Ang weird mo!" komento ni Hiro.
"Weird? Kayo, sa mga nangyari sa inyo? o sa mga kwento niyo, sa tingin mo ba hindi kayo weird?" tumalim ang tingin ni Sheila kay Hiro. Tila napikon.
"Pagpasensiyahan mo na ito, minsan talaga napaka- careless ng bunganga." paumanhin ni Elise sabay tapik sa balikat ni Hiro.
Napakamot na lang sa ulo si Hiro.
"You know what guys, may point naman talaga siya. Everything we went through is unbelievable. Unexplanable! Kinda creepy right?" naluluhang sabi ni Shane.
"Oo nga, oh lord, please wake me up!" wika din ni Alaine.
Nagbabakasakaling nananaginip lang siya.
Isang masamang panaginip!
Isang bangungot!
"Paano ka ba napunta dito?" umiral ang kuryusidad ni Gia at muling tinanong si Sheila.
Huminga ng malalim si Sheila bago nagkwento.
"Ang natatandaan ko, galing kami sa bahay ng kaibigan ng nanay. Nagpalaba ito at doon na rin kami pinakain ng hapunan. Ayaw sana namin dahil tiyak na aabutin kami ng dilim. At iyon ang iniiwasan namin." At muling napabuntong hininga si Sheila.
"Bakit niyo iniiwasan ang dilim?" urirat ni Shane.
"Maraming hindi maipaliwanag ang maaaring itago sa dilim." makahulugang sagot ni Sheila.
"Then what happened?" tanong ni Alaine.
"Yun nga, dahil napasarap ang kwentuhan nila nanay at ng kanyang kumare, lalo pa kaming inabot ng gabi sa daan. Ang sabi ni Nanay, di bale na dahil malapit lang naman ang bahay namin. Pero bakit ganun?, halos isang oras na kaming naglalakad, hindi namin marating ang aming bahay, samantalang halos tumakbo na kami sa bilis ng paglalakad." Kwento niya.
"Parang sa amin, Deretso naman ang daan pero para kaming paikot-ikot ." ani Nexor.
"At laging nadadaanan ang White House." Dagdag ni Gia.
"Is this really happening?" napapaiyak na naman si Shane. Mabuti na lang at meron si Ned. Panay ang hagod sa likod ng girlfriend.
"Awwooooooooo!!" pagkahaba-haba at pagkalakas-lakas na alulong ang muling nagpanindig ng balahibo nila.
Lalong napayakap si Shane kay Ned.
At nanlaki naman ang mga mata ni Sheila.
Nakaramdam ng takot.
Alam niyang may hatid na pangamba ang alulong na iyon.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
De TodoSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...