Chapter 61

1.7K 44 5
                                    


"Sheila anak, kaytagal kitang hinanap. Kahit marami ang nagsasabing patay ka na, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Araw-araw akong nagdarasal na ligtas at buhay ka. Araw-araw akong umiiyak at hindi bumibitaw sa pag-asang makasama at makita ka. Hindi ko matanggap na wala ka na. Pero ngayon alam kong wala ka na, masakit man sa akin, kailangang kong tanggapin.. masyado kitang pinahirapan dahil diyan. Kaya ngayon, kailangang matahimik ka na anak. Pinapakawalan na kita hindi dahil hindi na kita mahal... pinapakawalan kita dahil mahal na mahal kita. Lisanin mo na ang mundong ito at umuwi ka na sa Diyos. Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko. Magkikita din tayo balang araw Sheila. Mahal na mahal kita." Umiiyak na sabi ni Aling Martha.

Napaluhod naman si Sheila

Bumuhos ang maraming luha sa kanyang mata.

Awang-awa sila Gia sa nasaksihan.

"Gia gising na. Bumalik ka na. Nagtagumpay ka man o hindi, gumising ka na." Nagulat si Gia.

Pinapabalik na siya ni Tanya.

Ibig sabihin, wala ng oras.

Kailangan na nilang makalabas.

Anumang sandali, mamamatay na ang apoy ng kandila.

"Gia, halika na. Bago pa mamatay ang sindi ng kandila mo. Gising Gia gising!" May panic na sa boses ni Tanya.

Napatingin si Gia kay Sheila.

Nakaluhod pa rin ito at humahagulhol.

Napatingin siya sa mga kaibigan.

Tahimik na nakamasid kay Sheila.

"Guys, mauna na kayo sa lagusan habang nasa ganyang sitwasyon si Sheila." Anas ni Gia.

Nagtinginan ang mga ito.

"Bilis na. Mamamatay na ang kandila." Natatarantang sabi ni Gia.

"Ikaw?, halika na." Hinila siya ni Elise.

Tinakbo naman agad nila Alaine, Ned, Hiro, at Shane ang lagusan.

Isa isa silang nakalabas.

Nang makita ni Sandra ang kanilang ginawa ay mabilis din nitong inakay si Jasper at tumakbo patungong lagusan.

Nakalabas sila.

"Gia gising!" Muli niyang narinig si Tanya. Naramdaman din niya ang pagyugyog sa kanyang balikat.

"Lets go Gia. Ubos na ang kandila." Napasigaw na si Nexor.

Napatingin sa kanila si Sheila.

"Bilis takbo na" itinulak sila ni Gia patungong lagusan.

"Giaaa!!!" Bago pa bumulusok sa lagusan ay tinawag pa siya ni Elise.

Napatingin siya sa hawak na kandila.

Aandap andap na ang apoy nito.

Napatayo na rin si Sheila at tumingin sa lagusan.

"Labas na Sheila!" At itinulak niya ito sa lagusan.

"Giaaaa!!!!" Huling narinig niyang tawag ni Tanya bago tuluyang namatay ang kandila.

Dumilim.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon