"Paano kayo nakapasok dito?" tanong mula sa kanilang likuran.Napaigtad sila sa gulat.
Babaeng nakaputi at may mahabang buhok.
Malamyos ang tinig at parang kakaiba.
"K-kayo po ba ang nakatira dito?" lakas loob na tanong ni Ned.
Bakas ang takot sa tinig.
Walang sagot mula sa babae.
"Nasiraan kasi kami ng sasakyan. W-wala kaming matuluyan, maaari bang dumito muna kami hanggang magliwanag?" Tanong naman ni Elise.
Tumawa ang babae.
"Edi mabuti. Kung hihintayin niyo ang liwanag, it means magkakasama tayo ng matagal." natutuwang sabi ng babae.
Nangunot noo si Gia.
"What do you mean?" tanong niya.
Ngumiti lang uli ito.
"M-miss, anong oras na ba? Nasira ata orasan namin eh." at ipinakita pa ni Nexor ang orasang pambisig niya.
"Anong oras na ba diyan?" balik tanong naman ng babae.
"12 am pa lang, kanina kasi 4 am na eh." ani Nexor.
"Tama yan. 12 am pa lang." sagot nito.
Halos mawindang sila. Sigurado kasi silang mali ang oras.
Pero bakit lahat ng orasan nila?
At oras sa cellphone?
Nakakapagtaka naman yun.
"Pero miss, kaninang 12 am ay nagstop over pa kami sa Tarlac." pilit ni Alaine.
"And we left Manila at exactly 10 pm, so how could it be possible na 2 hours lang ang biyahe, from Manila to Baguio?" sabi naman ni Gia.
"The best thing we could do is to wait for the sunrise." napahalukipkip na suhestiyon na lang ni Shane.
"Goodluck na lang." bulong ng babae pero narinig ni Gia.
Hindi na lang siya kumibo.
Iba talaga ang pakiramdam niya.
"Anyway miss, kanina kasi sa labas, maliwanag dito. Bakit pagpasok namin biglang dumilim?" naisipang itanong ni Hiro.
Nagtaka ang babae.
"Maliwanag?, eh kanina pa nga ako tila nabubulag sa kadiliman." Anang babae.
"No, kaya nga kami pumunta dito kasi ito lang yung nakita naming bahay na punong puno ng ilaw kanina." Wika ni Shane.
Napailing iling ang babae.
"Miss, marami bang kaparehong disenyo ang bahay na ito?" urirat ni Elise.
"Wala ah, nag-iisa lang ang white house na ito dito sa Baguio."
Nagtinginan sila Gia at Elise.
"I knew it." komento ni Gia.
"Im not feeling comfortable here." at biglang napatayo si Ned.
"Actually, kanina ko pa rin napansin ang sasakyan niyong pabalik- balik." saad ng babae.
"Ikaw ba yung nakatanaw sa bintana?" Tanong naman ni Hiro.
Tumango ito.
"Hay salamat, akala ko nakakita na ako ng white lady kanina ." reaksiyon ni Alaine.
Tumawa ang babae.
Nanindig ang balahibo ni Gia.
May mali.
May kakaiba.
Pakiramdam na mahirap ipaliwanag.
"Ang weird. eversince nagkwento si Nexor about ghost dito sa Baguio, parang nagkaletche letche na tayo. Dont you think?" napapasimangot na sabi ni Shane.
"Now you're like blaming me." depensa naman ni Nexor.
"Hep, its not the right time to argue okay? And Shane, dont blame anyone!" saway ni Ned.
"Kahit mag-away away pa kayo, hindi niyo na mababago ang mga nangyari at pwedeng mangyari. Kung ako sa inyo, prepare yourself for something worst that might happen." makahulugang pahayag ng babae.
"What do you mean?" tanong ni Elise.
Nagkibit- balikat lang ang babae.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...