Chapter 7

2.6K 62 1
                                    

Kahit anong gawin ni Nexor ay hindi niya mapaandar ang sasakyan.

Wala pa naman silang alam na matutuluyan sa gitna ng dilim.

May ilang kabahayan ngunit  parang wala namang nakatira sa sobrang kadiliman.

Maging ang mga poste ay nawalan ng silbi dahil walang mga ilaw. 

"What are we gonna do?" tanong ni Elise.

"Lets walk na lang kaya. Alam ko malapit na tayo sa city." suhestiyon ni Gia.

Nagtinginan sila.

"Good idea. Walang mangyayari sa atin dito. Tila wala na din namang pag-asang umandar pa ito." ani Ned.

"What? seryoso kayo? Nakakatakot kaya." angal ni Shane.

"Aarte pa? mas gusto mong ma-stranded dito? Pwes, maiwan ka dito!" naasar na sabi ni Nexor.

Wala namang nagawa si Shane nang magbabaan sila ng sasakyan. Pumulupot ito kay Ned. Sumalubong sa kanila ang pagkalamig- lamig na hangin.

"Balikan na lang natin ang van pag maliwanag na." ani Hiro.

"Di bale, pasikat na ang araw." pampalubag ni Ned sa nobya.

Sa kanilang paglalakad, may natanaw silang isang malaking bahay.

Parang may piyesta sa sobrang kaliwanagan nito.

Napatigil sila.

"Hayun, baka naman pwede tayong makituloy dun, kahit magpalipas lang tayo ng oras." sabi ni Alaine.

Humakbang sila patungo sa bahay.

Maliban kay Gia na nakatitig sa malaking bahay. Wari'y pinag-aaralan ito.

Napansin siya ni Hiro.

"Diyan ka na lang ba Gia?" puna nito na napahinto rin sa paglalakad.

"Wait lang guys. Hindi niyo ba napansin, parang iyan din yung bahay kanina. Yung nadaanan natin." namamanghang wika ni Gia. 

"So you're saying na paikot -ikot lang tayo dito?" parang mababaliw na si Shane.

"Gia, yung white house na nadaanan natin, madilim. Pero iyan, tignan mo, parang kumpanya ng meralco na sa bawat sulok ay maliwanag." kontra agad ni Nexor.

"Oo nga, tsaka sana nakikita natin yung van since hindi kalayuan sa bahay na yun nung tumirik ito di ba?" sabat ni Elise.

Saka sila nagpatuloy sa pagtungo sa bahay.

Atubili namang sumunod si Gia. Alam niyang may kababalaghang nagaganap sa kanila.

Alam din niyang ang bahay kanina at ang bahay na tinutungo nila ay iisa.

Ang mga nakapaligid na puno, ang gate, ang disenyo at ang pakiramdam kapag tinitignan ito ay iisa lamang.

Malakas ang pakiramdam niyang pinaglalaruan sila ng kung anumang alagad ng kadiliman.

Habang papalapit sila sa puting bahay ay papalakas din ang kabog ng dibdib ni Gia.

Heto na.

Nasa tapat na sila.

Nagtitinginan sila.

"Mag-doorbell ka na." udyok ni Alaine kay Nexor.

"Ikaw na!" turo nito kay Hiro.

Sa asar ni Ned, siya na ang pumindot sa doorbell.

Walang tunog.

Sinubukan ulit.

Wala pa rin.

Biglang bumukas ang gate.

Nagtinginan sila.

Wala namang taong pwedeng magbukas ah.

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon