Chapter 24

1.8K 39 0
                                    

Ned's POV

Isang babaeng humihikbi.

Kinabahan ako.

Pakiramdam ko minsan ko nang nakita ang babaeng ito.

Pero imposible, nakatalikod ang babae at hindi ko makita ang mukha kaya paanong ganito ang pakiramdam?

"M-miss." Tawag ko nang patuloy lang ito sa paghikbi.

Paghikbi na naging iyak.

Iyak na naging hagulhol.

Nakakakilabot ang kanyang paghagulhol.

"Duwag ka!" Mahina pero mariin niyang sabi.

Ako ba ang kausap niya?

"Hindi mo kami tinulungan." Sabi niyang patuloy sa pag-iyak.

Iyak na nagmumula sa kaila-ilaliman ng lupa.

Panay ang pagyugyog ng kanyang balikat.

Tanda ng matinding pag-iyak.

Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

Gusto kong mawindang.

Ako ba ang kausap niya?

Sa akin ba niya sinasabi ang mga iyon?

Sino ba siya?

"Waaahhhh.."

Agad kong natakpan ang aking tenga.

Masakit sa tenga ang kanyang pagsigaw.

Halata ang kanyang galit.

May mga naglalaro sa aking isipan.

Ayokong paapekto. Wala akong kasalanan.

Hindi ko siya kilala.

"M-miss." Muling tawag ko kahit kabado.

Kailangan kong lakasan ang aking loob.

Hindi niya ako nililingon.

Patuloy ito sa pagtangis.

Pilit ko pa ring nilalabanan ang takot na gustong pumaibabaw.

Iniisip ko na lang na baka tulad namin, nakulong din siya dito sa loob ng bahay.

Teka lang, bakit pala hindi ko siya nadaanan kaninang tinungo ko ang sulok na ito?

Humakbang ako papalapit sa babae.

Wala na akong marinig na pagtangis mula sa kanya.

Heto na, isang hakbang na lang.

"M-miss!"

At bigla siyang humarap na ikinagulat ko.

"Sh*t!!" Hindi ko napigilan ang magmura.

Wala siyang mukha.

Hindi ako makakilos.

Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawa.

Nanigas ang aking mga paa.

Gusto kong sumigaw pero nanigas ang aking bunganga.

Napapikit ako.

Baka sakaling namalikmata lang ako.

Isa.. dalawa..

Tatlong segundo.

Dumilat ako, madilim.

Namatay ang lampara.

Kinapa ko ang lighter para sindihan ito.

Nang biglang...

"BULAGAAA!"

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon