Gia's POV
Tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Nexor.
At matamang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.
Madilim, at nakakatakot.
Iba ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.
Kung nag-eenjoy sila sa pagkwe- kwento ni Nexor, ako hindi.
Nakaramdam ako ng kakaibang lamig.
"Ned, close the window. Its getting cold and dark outside." sabi ko.
Napansin ko kasing bukas ang bintana sa gilid niya.
At napansin ko ang nadaanang bahay.
Malaki at kahit madilim ang paligid, nagsusumigaw ang kulay nitong puti sa tulong na din ng liwanag ng buwan.
"Wow Gia, gising ka pala." kantiyaw ni Hiro.
Magbuhat kasi ng magkwento si Nexor ay tahimik lang ako.
"Scared! Natatakot ka noh?" At nilingon pa ako ni Elise.
"In your dreams El." At parang batang nag-belat ako sa kanya.
"Guys, di ba nadaanan na natin iyan?" sabay turo ni Alaine sa labas.
Malayo pa konti ang bahay pero agaw pansin kasi ito.
Bukod sa kulay nitong puti at sa laki, madilim din ang paligid nito.
May mga puno sa paligid at may aurang nakakatakot.
Napatingin din ako at nagtaka.
Ang bahay na puti nga.
"Oo nga noh, nadaanan na natin yan. Nilingon ko pa nga eh nang malagpasan natin." pagkumpirma ni Hiro.
Sa kung anumang dahilan ay huminto si Nexor sa tapat nito.
Napatingin kaming lahat sa bahay.
Kinabahan ako at natakot.
"Actually guys, pangatlong beses na nating dumaan dito. Akala ko lang magkaka-pareho ang bahay dito." sabi kong napapikit.
Hindi ko matagalang tingnan ang bahay.
"O-Oh my god, Nexor something is wrong. Lets go." natatakot na rin si Shane.
Kinabig ito payakap ni Ned.
"Bakit ba kasi huminto ka pa dito?" tanong ni Ned.
Walang sagot mula dito.
Kinalabit siya ni Hiro.
Hindi pa rin ito kumikibo.
Hindi gumagalaw.
Natulala na sa pagmamasid sa bahay.
"Ano ba Nexor, tara na." bulyaw na din ni Elise sabay tapik sa balikat ni Nexor.
"Hey ano ba?" parang nagulat pa ito.
"Anong ano ba, bakit mo ba inihinto dito?" ani Ned.
"Hindi ah.. Bakit ako titigil dito." halatang namamangha din si Nexor.
Agad na ini-start ang sasakyan.
Akala ko gaya sa mga napapanood ko sa t.v na hindi ito mag-i-start.
Nakahinga ako ng maluwag.
Umandar naman ito.
At sa paglagpas namin, may nakita ako.
Isang babaeng nakadungaw.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...