Chapter 56

1.8K 47 7
                                    


Kanya-kanyang pwesto.

Walang imik.

Walang kibuan.

Walang gustong magsalita.

Punong-puno ng tensiyon pagkatapos ng mga sinabi ni Alaine.

Lahat nag-iisip.

Lahat may takot.

"Hihihi..."

Isang tawa ng bata ang pumuno sa bahay at bumasag sa katahimikan.

"Ate let's play.." anang bata.

Gumapang ang kilabot sa kanila.

"Jasper.." nasabi ni Elise.

"Hahaha.." isang masayang tawa naman mula sa isang babae.

Nagtinginan sila.

Maya-maya pa ay may nakita silang naghahabulan.

Isang dalaga at isang bata.

Tumayo si Alaine. Lumapit sa dalawang naghahabulan.

Gustong matakot nila Shane sa isiping may mga kasama silang multo.

At naglalaro pa!

Hanggang ngayon, ang hirap paniwalaan na patay na si Alaine.

Pero isang patunay na siguro ang walang takot nitong pakikipag-usap sa mga patay na.

Dahil patay na rin siya.

"Sandra.." tawag ni Alaine.

Lumingon ang tinawag.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Alaine.

"Bahay namin ito." Walang emosyong sabi ni Sandra.

"I-I know pero, di ba dapat nasa heaven na kayo?" Wika ni Alaine.

Gumuhit ang kalungkutan sa mukha ni Sandra.

"Hindi ko kayang iwan si Sheila. At ang kapatid ko."

"Pero patay na din sila" naguguluhang wika ni Alaine.

"Pero hindi nila matanggap. May mga gusto pa silang gawin sa mundo ng mga buhay at ito ang pumipigil ng pag-akyat nila sa langit." Paliwanag ni Sandra.

"Si Sheila, hanggang ngayon umaasa pa rin siyang buhay siya. Punong puno ng galit sa dibdib. Si Jasper, gusto pa niyang maglaro."

"Paano yan, kapag ayaw pa nilang lisanin ang mundo, mananatili ba silang mga ligaw na kaluluwa?"

Nagkibit-balikat si Sandra.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit kami napadpad dito? Kung bakit kami nakulong dito?" Tanong ulit ni Alaine.

Hindi makasagot si Sandra. Pinapanuod ang kapatid na panay pa rin ang laro.

"Wala akong alam. Si Sheila, siya ang may kagustuhan na makulong kayo dito."

Naguluhan si Alaine.

"Nung araw na maaksidente kayo, nakita niyo siya at kinawayan kayo. Isa iyong paanyaya na inyong tinugon. Nung pumasok kayo dito, kayo ang nagkulong sa inyong sarili. Balot ng galit ang puso ni Sheila at ayaw niyang nag-iisa kaya nung araw na mapadaan nga kayo dito, kayo ang napili niyang makasama. Pareho kaming hindi matahimik pero magkaiba ng dahilan.." pahayag ni Sandra.

Naguluhan lalo si Alaine.

"Eh ang aksidente, anong kinalaman niyo dun?"

"Isang taon ng pagkamatay namin, si Sheila, paulit ulit binabalikan ang nangyaring naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Ang pagkasagasa sa kanya, kaya siguro nagawa niyang linlangin kayo."

"Si Ned, may kinalaman siya sa pagsagasa sa inyo. Ginagantihan niyo ba?"

Umiling si Sandra.

"Walang kinalaman si Ned. Nagkataon lang siguro. At baka inadya ng panginoon. Para na rin siguro mapagsisihan niya ang kanyang nagawa. Pero ok na ako eh. Tanggap ko na ang naging kapalaran ko. Ayaw ko lang talagang iwanan sila." Malungkot na sabi ni Sandra.

Kahit paano ay naliwanagan siya.

Hindi si Sandra, kundi si Sheila ang nagkulong sa kanila.

Gusto nitong may makasama.

At minalas na sila ang napili.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon