Chapter 19

2K 49 3
                                    


Magkakasama sila Ned, Shane, Alaine at Hiro sa itaas ng bahay.

Isa isa nilang pinasok ang bawat pintuang makita, pero puro kwarto at walang ibang daang palabas.

Puro grills din ang mga bintana.

Napasandal sa pader si Hiro nang matalisod sa paa ni Alaine.

Nang biglang bumukas ang kinasandalang pader.

Na out balance siya.

Mabuti na lang at maagap siyang nahawakan ni Ned.

Kahit namamatay na ang cellphone ni Hiro dahil palowbat na ito, nagawa pa rin niyang mailawan ang bumukas na pader.

"Guys, look!" namamanghang aniya sa mga kasama.

Isa itong secret door. At may hagdanan pababa.

Nagtinginan silang apat.

Biglang dumilim!

Tuluyang namatay ang cellphone ni Hiro.

"How lucky can we get. Ngayon pa talaga namatay." Naasar na sabi ni Alaine.

"Paano natin tutuntunin ang hagdanang yan?" Komento naman ni Ned.

"What about your lighter Ned?," wika ni Shane.

"Oo nga noh, may lighter ka din di ba?" Tanong ni Ned kay Hiro.

Tumango ito at inilabas mula sa bulsa.

"Good, alalayan mo si Alaine at ako kay Shane."

Matapos mag-usap ay tinahak na nila ang daanang pababa.

"Ned, i'm afraid. Sobrang dilim sa baba oh." Halata sa boses ni Shane ang takot.

"Dont worry honey, kasama mo ako, kami. We really have to find out if there is other way for us to leave this house." Kinakalma ni Ned ang nobya.

"Sana naman meron na, baka kung anong patibong lang ito." Sabi naman ni Alaine.

BLAG!!

Nagulat ang apat, napatili pa ang dalawang dalaga.

"Ano yun?" Tanong agad ni Ned.

"M-May, bumagsak. May nasagi yata akong nakasabit sa dingding." inilawan ni Hiro ng lighter ang bumagsak na bagay.

Isang malaking kwadrado.

Pinulot ito ni Ned.

Family oil painting.

Isang hindi pa naman katandaan na lalaki at babae ang nakaupo. At isang dalaga at isang batang lalaking nakatayo naman sa gilid ng mga ito.

"Put it down Ned. Nakakatakot." Nakapikit pang sabi ni Shane. Ayaw nitong makita ang nasa larawan.

Para kasi itong mga buhay at matatapang ang mga matang nakatingin sa kanila.

Itinabi naman agad ito ng nobyo.

Nagpatuloy sila sa pagbaba.

Isang tila bodega ang bumulaga sa kanila.

Maraming mga gamit ang parang itinambak dito.

Magkasama sila Hiro at Alaine, tinungo nila ang isang lumang cabinet.

"Heto mga lampara." Inilabas ni Hiro ang mga nakitang lampara mula sa cabinet.

Sinubukang sindihan.

Sa tulong ng 3 lampara, nagliwanag ang kinaroroonan nila.

Tama, isang bodega ang napasok nila.

Maraming mga agiw sa paligid at puro alikabok ang mga nakatambak na gamit.

"Oh my god. Oh my god!" Nagsisisigaw at nagtatalon sa takot si Alaine.

Nabitawan pa nito ang hawak lampara.

"Why ALaine?, what happened?" Agad siyang nilapitan nila Shane.

Pinulot naman ni Hiro ang lampara at ibinigay kay Alaine.

May panginginig ng mga kamay na kinuha ito.

Niyakap siya ni Shane.

"M-may.. may ano.. may.." nauutal at habol ang hiningang sabi nito.

"May ano?" Tanong ni Ned.

"M-may nahawakan kasi akong.. malaking daga." At diring diring ipinahid pa ni Alaine ang mga kamay sa damit ni Hiro.

"Kadiri ka Alaine! Sa akin pa talaga ipunas?" Reklamo ni Hiro.

"Guys, i need an alcohol. Ewww.. I need some hand sanitizer please!!" Eksaheradang ani Alaine.

"Swerte mo kapag may nahanapan kang alcohol dito. Hay naku Alaine, tinakot mo kami, daga lang pala." Napapailing na sabi ni Ned.

"Ned, kung sa akin nangyari yun ang makahawak ng daga, eww talaga. Baka mas grabe pang tili ang nagawa ko." Saway ni Shane sa nobyo.

"I know right." Nasabi na lang ni Ned.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon