Chapter 47

1.6K 38 3
                                    

Alaine's POV

Natatakot ako sa presence ni Sheila.

Knowing she's a ghost.

But why do I have that feeling na nalulungkot ako?

I'm sad for her syempre.

But I'm sad for myself too.

I wanna scream out loud.

Parang may hindi tama.

Bakit ba kami iniwan ni Gia?

Ang daya niya!

"Huhuhu..." napakislot ako mula sa pagkakadungaw sa bintana.

Lumikot ang aking mata.

Ako lang ba ang nakakarinig nun?

May umiiyak.

Isang babae.

Sino yun?

Napatingin ako sa may sofa, nakaupo lang sila. Walang nagsasalita, pawang mga tahimik.

"Huhuhu..."

May umiiyak talaga.

Kahit may takot ay naihakbang ko ang aking paa.

Nakakagulat na bigla na lamang lumakas ang aking loob.

Patungo ako sa ikalawang palapag.

Doon ko naririnig ang panaghoy.

Gusto kong bumalik sa baba pero tila may humihila sa akin.

Nang bigla akong nakakita ng babaeng nakaitim!

May hawak na kandila.

Nakatalikod siya sa akin.

Bigla akong kinabahan.

Natakot.

Blacklady?

No, huwag naman sana.

Marahan siyang naglalakad.

Gusto kong huminto pero may bumubulong sa aking sundan siya.

Hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang silid.

Nilingon niya ako.

Pero hindi ko makita ang kanyang mukha.

Natatakpan ito ng suot niyang itim na belo.

Lalo akong natakot.

Nanindig ang aking balahibo.

Pakiramdam ko ay lumalaki ang aking ulo.

Napahinto ako at naramdaman ko ang paninigas ng aking  mga paa.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Lima..

Limang segundo siyang nakatingin sa akin.

Gusto kong maglaho.

Tumakbo palayo.

Nang sa wakas ay pumasok siya sa silid.

Nakahinga ako ng maluwag.

Pero unti- unting humahakbang ang aking mga paa patungo sa silid na pinasukan ng nakaitim na babae.

Ayan na..

Ilang hakbang na lang..

Malapit na..

Heto na..

Nanginginig ako habang nakatitig sa saradong pinto.

Ayokong pumasok.

Pero bigla itong bumukas.

Heto na naman ang aking mga paang may sariling buhay.

Kusang humahakbang papasok.

Wala ang babaeng nakaitim.

Tanging ang kandilang nakasindi na nakapatong sa isang kandilarya ang nagbibigay liwanag sa silid.

Sapat para makita ko ang isang...

Teka, totoo ba ito?

Oh guni-guni?

May isang kabaong na nakapatong sa kama.

Nangangatog ang aking tuhod.

Ayoko na..

Naiiyak na ako sa takot.

Gustong gusto ko nang sumigaw.

Palapit na ako sa kabaong.

Gusto kong pumikit.

Ayokong makita ang laman nito.

Pero hindi ko maigalaw ang talukap ng aking mata.

Heto na..

Ang kabaong.. may nakahiga sa loob.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon