Chapter 54

1.9K 40 3
                                    

ELISE'S POV

Totoo ba?

Totoo ba ang sinasabi ni Alaine?

Ang kanyang pagkamatay, tumutugma sa kung paano namin nakita ang kanyang katawan sa nakabaligtad na sasakyan.

Pero paanong nangyari yun?

"Naalala niyo ba ang sabi ni Gia about sa doppelganger? Its a bad omen. A warning. Na baka daw may masamang mangyayari o nangyari na.. in my case, shes right. May doppelganger ako at sa labas ng bahay nangyari ang aksidente.. na ikinamatay ko." Malungkot niyang sabi.

May tama siya.

Konektado ang lahat.

Ang doppelganger ni Alaine, kasunod ang paglutang ng kanyang patay na katawan sa van at ngayon ang kanyang natuklasan. Ang sanhi ng kanyang pagkamatay..

Ahh.. gustong sumabog ng utak ko.

"Sige, let's say na totoo ang sinasabi mo, it means kasama kami sa aksidente. Patay na din ba kami?" Naguguluhang sabi ni Hiro.

"Nope. Bakit si Gia, nakalabas siya? Nakita naman natin di ba? Kasama na niya ang mommy niya. Paano mo i-explain yun?" Tanong naman ni Nexor kay Alaine.

"Simple lang, nakabalik siya sa pamilya niya kasi nakaligtas siya sa aksidente." Si Sheila. Na bigla biglang sumusulpot.

Tama siya.

Iyon lang ang pwedeng maging paliwanag nun.

"What about us? Patay na din ba kami? Hindi ba kami naka-survive?" Worried na tanong ni Shane.

"Hindi ko kayang sagutin yan. Ang masasabi ko lang, walang katiyakan." Sabi pa ni Sheila at muling umalis.

Lord, please. I dont know what to ask you but please whatever is my destiny, just give me strength to accept it.

If Im destined to die, let me know. Dont let me guess.

Bakit ba kasi hindi ko maalala ang nangyari?

Bakit hindi ko maalalang naaksidente kami?

Lumayo ako sa mga kasama ko para taimtim na manalangin.

Ayokong panghinaan ng loob. Gusto kong umasa na pareho ang aming kapalaran ni Gia.

Mabubuhay ako at makakaalis sa bahay na ito.

Mahirap paniwalaan si Alaine, pero ang mga sinasabi niya ay may batayan.

Pakiramdam ko tuloy isa akong bilanggo na hinihintay masentensiyahan.

"I know how brave you are El. Pls fight for your life.."

Natigilan ako.

Parang isang echo na umiikot sa tainga ko.

Sino yun?

"Goodbye for now, but I hope to see you soon.. just stay.."

Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Gia iyon.

Bigla akong naluha.

Nasaan ka man Gia, alam kong tutulungan mo kami.

Naibulong ko sa hangin.

Walang kasiguruhan kung maririnig ba niya..

* * * * * * * *

HIRO'S POV

"Magpahinga ka na Hiro. I know its hard for you to stay, but we are now letting you go.."

Napalingon bigla si Hiro.

Wala naman si Ned ah. Kasama siya ni Shane sa may sofa.

"We will be okay. You need to rest.."

May mga nagsasalita, at parang kilala ko.

Hindi parang.. kilala ko talaga.

Kinilabutan ako.

Paanong nangyaring naririnig ko ang boses ng parents ko?

At bakit pinagpapahinga na nila ako?

Parang gusto kong matakot.

Iba ang dating ng kanilang mensahe.

Ahh.. biglang sumakit ang ulo ko.

Parang may nakiki-nikinita ako..

"Nexor may mababangga tayo." Sigaw ko. Biglang may dalawang babaeng nakaputi ang tumawid galing sa bahay na tila pabalik balik naming nadadaanan.

Agad naapakan ni Nexor ang preno at malakas na nakabig ang kambiyo.

"Blag!!" Malakas na tunog ang nilikha.

Bumaligtad ang aming sasakyan.

Nakita ko ang duguang si Nexor, walang malay.

Nakarinig ako ng mga daing sa likuran.

Nagmumula kay Alaine at Elise.

Saka ko naramdaman ang pagsakit ng aking sikmura.

Saka ko napansin, tumusok ang tiyan ko sa basag na salamin sa harapan. Nasira ang seatbelt kaya muntik akong tumilapon palabas.

Napasinghap ako bigla.

Naalala ko na.

Totoo ang aksidenteng naganap.

Naaksidente kami!

Ang nakita naming nakasemplang na sasakyan ay totoo.

Kinabahan ako.

Tama ba ang sinabi ni Alaine na namatay kami sa aksidente?

Oh no!

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon