Kinakabahan si Elise.Posible nga bang tama ang kutob ni Gia?
Bakit hindi sumasagot di Sheila?
"Sheila, patay ka na ba?" Inulit ni Gia ang tanong.
"Hindi, hindi ako patay!" Galit na sagot nito.
Nanlilisik ang mata.
Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ako maaaring mamatay. Walang kasama si Inay. Marami pa akong pangarap." Lumambot ang expression ng mukha nito.
Walang kumikibo kina Gia, Nexor at Elise.
"Pero anong gagawin ko, tinatawag na niya ako. Ayokong sumama." Patuloy pa nito.
"Tinatawag nino?" Curious na tanong ni Nexor.
"Ni Sandra." At parang takot pa si Sheila.
Gustong sumabog ng utak ni Gia.
Habang nalilito na si Nexor.
"Saan daw ba kayo pupunta?" Tanong ni Elise.
"Ewan ko. Ayokong alamin. Ayokong sumama at lalong ayoko siyang kausapin." Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Sheila.
"Ang sabi mo Sheila, may malaking basag ang ulo mo sanhi ng pagkakabangga sa inyo. Hindi ka nagamot right? Pwede bang makita ang sugat mo?" Atubiling wika ni Gia.
Sinalat ni Sheila ang noo.
"Wala naman. Ni walang peklat na palatandaan ng isang sugat." Ani Elise.
"Siguro naghilom na dahil ayon sa inyo, isang taon na ang nakararaan." Sagot ni Sheila.
Pero hindi kumbinsido si Gia.
"Isang taon. Masyadong matagal yun Sheila. Paano ang pagkain mo? Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya.
"Nagtataka din ako dahil hindi ko nararamdaman ang gutom." Sagot nito.
"Yung sinasabi mong Sandra, nasaan na siya?" Sabat ni Nexor.
Naguguluhan pa rin siya sa usapan ng tatlo.
Bakit sinasabi ni Gia na patay na si Sheila?
Nag-atubili sa pagsagot si Sheila.
Lumikot ang mata.
Isa isa silang pinasadahan ng tingin.
"Bakit mo tinatanong?" Balik tanong ng babae kay Nexor.
"Ayaw mong tanungin kung saan kayo pupunta, ayaw mong kausapin, edi ako kakausap." wika ni Nexor.
"Sigurado ka?" Paniniyak ni Elise.
"Oo naman." walang gatol nitong sagot.
Wala kasi itong idea na patay ang Sandra na kanilang pinag-uusapan.
"Nandiyan lang naman siya, di nyo ba nakikita?" Sabi ni Sheila.
Nagtaasan ang mga balahibo ni Elise.
Nanlamig naman si Gia.
Iginala ni Nexor ang paningin.
"Saan?" Tanong niya.
"Nasa tabi mo."
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...