*flashback*
Nandidilat ang mga mata ni Serena at nanginginig ang buong katawang nakatingin sa duguang katawan ng anak.
Nanlalabo ang paningin dahil sa mga luhang bumubuhos sa kanyang mata.
Samantala, tuwang tuwa pa ang lalaki sa ginawang pagpatay. Hinugot ang kutsilyo mula sa pagkakabaon sa likod ni Jasper saka dinilaan ang mga dugong nakabahid sa patalim.
"Hayup! Hayup! Hayup!" Naghi-histerikal na si Serena.
Sinugod ang lalaki at pinagsu-suntok ito sa dibdib..
Dahil nasa impluwensiya ito ng bawal na gamot,
parang wala na ito sa katinuan. Malakas nitong sinampal si Serena.Halos sumadsad ito sa sahig. Hindi pa nga nakakabawi sa sakit ng sampal ay sinabunutan pa siya ng lalaki.
"Alam mo madam, ang bata bata ninyong tignan. Parang ate ka lang ni Sandra.. at mabango pa.." pinasadahan pa nito ng malisyosong tingin si Serena.
"Bitawan mong asawa ko!" Agad lumapit si David para sumaklolo sa asawa.
"Hep, diyan ka lang kung ayaw mong gripuhan ko si Madam." Iwinasiwas pa nito ang hawak na patalim.
"Ikaw 'tol ha, may pagnanasa ka pala sa mother-in-law ko." Kantiyaw ni Aldred.
"Ganda eh, kinis pa." Anang lalaki at ginaya si Aldred. Dinilaan din ang pisngi ni Serena.
Hindi na nakatiis pa si David, maliksi itong kumilos. Agad sinipa ang kamay ng lalaking may hawak na patalim.
Nabitawan niya ito at nabitawan din si Serena.
Nagpambuno ang dalawa habang panay ang sigaw ng mga babae.
Pero dahil mas malakas ang lalaking naka-droga, naipahiga nito si David.
At bago pa makatayo si David, mabilis na nabunot ng lalaki ang isa pang patalim sa bulsa at agad ding itinarak sa dibdib ni David.Sunod-sunod hanggang sa sumuka na ito ng dugo.
"Tama na, maawa kayo!" Nakalupasay sa sahig si Serena. Nanlalambot.
Hindi na makayang makita ang asawang naliligo sa sariling dugo.
"JD, tama na iyan." Sabi ng lalaking may hawak kay Sheila.
Halatang natatakot ito sa ginawa ng kaibigan.
"Hayaan mo siya." Wika ni Aldred.
"Hindi pa ako tapos."sabi din nung JD at hinila si Serena sa harap nila Sandra at Sheila.
Pinunit ang suot nitong night gown.
Lumantad ang dibdib ni Serena.
Lalong naging hayok si JD sa lumantad na alindog ng babae.
"JD, ano bang ginagawa mo. Wala sa usapan yan eh." Awat ng lalaking may hawak kay Sheila.
"Anong gusto mo, kayo lang ni Aldred ang iiskor?," singhal nung JD.
At sa mismong harap nila Sandra at Sheila, ni-rape nito si Serena.
Si Serenang tulala at parang lantang gulay na lang.
Panay ang iyak ni Sandra.
Wala man lang siyang nagawa.
Akala niya ay matapos gahasain ni JD ang mama niya ay lulubayan na ito, nagkamali siya.
Pinulot nito ang kutsilyo at walang anumang inundayan ng saksak si Serena hanggang mamatay.
"Magsama kayo sa impyerno." Nakatawa pa nitong sabi.
"Mamaaa!!" Sigaw ni Sandra at parang nauupos na kandilang napaluhod ito.
Habang panay din ang iyak ni Sheila.
Naisip niya, nawalan ng saysay ang buhay ng mga nito ng dahil sa mga walang pusong mga lalaking ito.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...