Chapter 39

1.7K 40 7
                                    

Hindi akalain nila Gia at Elise na ganun kalupit ang sinapit ng mga may-ari ng bahay.

Parang sa mga pelikula at tele-nobela lang.

Sadyang karumal-dumal.

"Kaya sila nagpaparamdam?, but the justice has been served." Komento ni Elise.

"Pwede rin namang may un-finished business?" Ani Gia.

"But what about you?" Where did you go that night?" Muling tanong ni Elise.

Umihip ang malamig na hangin.

Gininaw si Elise.

Kinilabutan si Gia.

Tumingin siya kay Sheila.

At sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam siya ng kakaiba.

Ito rin yung naramdaman niya noong unang makita niya si Sheila.

Gusto niyang umatras.

Tumakbo palayo palabas ng bahay na ito.

"When exactly that happened?" Nakuha pa ring itanong ni Gia.

"November 3, 2013." Malamig na sagot ni Sheila.

Nagtinginan sila Elise at Gia.

"That was one year ago. November 2, 2014 at exactly 10 pm nung umakyat kami dito sa baguio.
So Nov. 3 na kami nakarating dito... 1st year death anniversary nila.." nahihintakutang sabi ni Elise.

"Does it mean na isang taon kang nakulong dito?" Seryosong wika ni Gia.

Malungkot ang mukhang tumanaw sa labas si Sheila.

"Yung napasok nila Ned na bodega, secret room iyon. Zaragosa lang ang may alam. Kung titignan mo kasi, parang pader lang ito. Pero kung pag-aaralan mong mabuti, makikita mong isa itong pinto. Isang secret door." Bigay alam nito.

"So..?" Naguguluhang tanong ni Elise.

"Dahil matalik kaming magkaibigan ni Sandra, madalas kaming pumunta dun. Minsan para magtago. Tinataguan namin si Aldred kapag dumadalaw ito. Nung gabing nangyari ang pagkamatay ng mga Zaragosa, dito ako nagtago." Ani Sheila.

"Bakit hindi ka lumabas nung dumating ang mga pulis?" Usisa ni Gia.

"Noong nabangga kami ni Sandra, tumama ang ulo ko. Nagkaroon ng malaking basag. Nung time na nakapagtago ako sa secret room, nawalan na ako ng malay."

"Pero iba ang sinabi mo sa amin. Na kasama mo ang nanay mo nung gabi galing sa bahay ng kumare niya.. may nakita kayong nasagasaan pero nawala, tumakbo kayo ng Inay mo at nagkahiwalay kayo. Napunta ka dito ng hindi mo alam.." inalala niya ang kwento ni Sheila.

"Yah, naalala ko din. Something is missing in your story. Hindi magkatugma." Sangayon ni Elise.

Napayuko si Sheila.

Napaiyak.

"Dahil iyon ang gusto kong paniwalaan." Napasigaw ito.

Nagising si Nexor dahil dito.

Agad nilapitan ang tatlong babae.

"Sheila, isipin mong mabuti. Nawalan ka kamo ng malay sa secret room, nung natauhan ka? nung nagising ka, anong nangyari?" Tanong ni Gia.

"Naging un-concious ako. Nagdedeliryo. At yung naikwento kong nakapasok ako dito ng hindi ko alam, na naghiwalay kami ni Inay, ay parte ng pagkawala ko sa sarili ko." Kwento ni Sheila.

Napabuntong hininga si Gia.

Hindi naman maintindihan ni Nexor ang usapan nila.

"Oh god." Reaksiyon na lang ni Elise.

"Tell us honestly Sheila, are you dead?" Lakas loob na tanong ni Gia.

Punong-puno ng takot.

Pero kailangan niyang itanong.

Marami siyang agam-agam na kailangan ng kasagutan.

Hindi kumibo si Sheila.

Muli siyang umiyak.

Napalunok si Nexor na nakatitig kay Sheila.

At nakaramdam ng takot si Elise.

Patay na nga ba si Sheila?

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon