Chapter 28

1.9K 49 4
                                    


Malamig.

Nanunuot sa balat.

Pero tirik naman ang araw.

Nagtinginan ang tatlo.

"Ano ba iyan, parang ayaw nilang mapag-usapan." Ani Oyang.

"Sino?" Tanong ni Aling Sonia.

"Yung mga nakatira diyan sa bahay, hindi niyo ba napansin ang biglang paglamig?" Halos pabulong ni Oyang.

"Tabi tabi po." Sabay sign of the cross ni Aling Sonia.

Na ginaya nila Aling Martha at Oyang.

"Oyang, ano nga pala ang balita sa mga naaksidente.?" Urirat muli ni Aling Martha.

"Ang alam ko mga turista sila. Ayon sa mga rescuers, mga kabataan daw." Bigay-alam ni Oyang.

"Hindi naman accident prone ang area na iyan, paanong may sumemplang na sasakyan diyan?" Wika ni Aling Sonia.

"Baka naman kaskasero ang driver. Maaari ding lasing o inantok at nakatulog sa pagmamaneho." Naisip ni Aling Martha.

"Kung ganun ang dahilan, dapat babangga lang. Eh sabi ni Oyang sumemplang?" Ayon kay Aling Sonia.

"Tama ka diyan Sonia. Kung nakita niyo lang ang sasakyan, yuping yupi at basag basag ang salamin." kwento ni Oyang.

"Asan na ba ang naaksidenteng sasakyan?, bakit wala kaming nakita ni Sonia? Nandiyan kaya kami sa tapat kahapon." Ani Aling Martha.

"Kinuha ng ano nga bang tawag dun? Towing truck? Basta may malaking truck na kumuha dahil baka maging sanhi pa raw ito ng trapiko." Sabi ni Oyang na napakamot sa ulo dahil biglang may bumili ng sigarilyo.

"Eh ang mga sakay? Ligtas ba?" Naisipang itanong ni Aling Martha.

"Iyan ang hindi ko alam. Pero sa malaking pinsala nung sasakyan mukhang malabo." Napapailing pa si Oyang.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?, yung van na bumaligtad?" Sabat ng mamang bumili ng sigarilyo.

"Oo Niko. Di ba ikaw yung unang sumaklolo sa mga naaksidente?" Baling dito ni Oyang.

"Oo, madaling araw yun papunta ako ng palengke ng saktong bumaligtad ang sasakyan. Medyo malayo pa ako eh, tinakbo ko lang agad para tumulong." Wika nung Niko na isang kargador sa palengke.

"Mabilis ba yung takbo nung van? Oh baka nga nakatulog yung driver?" Tanong ni Aling Martha.

"Iyon ang ipinagtataka ko. Mabagal lang yung takbo nila at nag-iisa lang din ang sasakyang yun ng mga oras na iyon." Sabi ni Niko.

"Bakit nadisgrasya?" ani Aling Sonia.

Minasdan sila ng lalaki sabay hithit ng sigarilyo.

"Nung puntahan ko ang driver, kahit hirap na hirap, nakapagsalita pa. Sabi niya may dalawang babaeng galing sa white house ang biglang tumawid." Walang kurap na sabi ni Niko.

"At iyon ang iniwasan niya pero sa lakas ng kabig niya sa manibela at pagtapak sa preno, bumaligtad sila." dagdag pa nito.

Napatakip sa bibig si Aling Martha.

"Ilan ang sakay nung van? ligtas ba sila?" Tanong ni Aling Martha.

"Ang narinig ko sa mga pulis na gumawa ng report, pito daw. Tatlong lalaki at apat na babae. Kung ligtas sila? Hindi ko masabi." Kibit-balikat ni Niko.

"Iyong sinabi nung driver na may dalawang babaeng tumawid, nakita mo ba?" Interesadong tanong ni Martha.

"Sa paglalakad ko ng madaling araw na iyon, wala akong nakitang dalawang babae eh." Sagot ni Niko.

Nakaramdam ng kaba si Aling Martha.

Napatingin siya sa bintana ng white house.

Gumagalaw ang kurtina.

Tila sumasayaw sa ihip ng hangin.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon