Chapter 8

2.4K 55 5
                                    


"Automatic?" namamanghang sabi ni Hiro.

"It only means na welcome tayo. Pasok na." ani Nexor na nagpatiuna pang humakbang papasok ng gate.

Muli, si Gia ang huli at atubili sa pagpasok.

"Go and knock." Utos muli ni Alaine. Nasa tapat sila ng malaking pintuan na yari sa makapal na kahoy.

"Bakit kailangan pang mag-utos, if you can do it naman." asar na wika ni Gia.

"Why not you? Ang hard kaya ng door. Magasgasan pa ang kamay ko." Maarteng sabi ni Alaine.

Inirapan lang siya ni Gia.

Si Ned uli ang kusang kumatok.

Maging siya ay nasaktan sa pagkatok.

Masyadong matigas ang pinto.

"Wala bang doorbell? Parang kahit anong kalampag natin dito sa pinto, walang makakarinig mula sa loob." aniya at nagpalinga linga pa.

Nagbabaka-sakaling may doorbell.

Akmang kakatok din sana si Nexor nang biglang bumukas ang pinto.

Muli silang nagtinginan at nagtataka.

Walang taong nagbukas nito. Kusa lang itong bumukas.

"Ang gara. High tech." bilib na bilib naman si Hiro.

"Pasok na. Baka biglang mag-sarado." excited na pumasok si Elise.

Pagkapasok nilang lahat ay automatic uli itong nagsara.

At namatay ang mga ilaw.

Biglang nagsigawan ang mga babae.

Nilamon sila ng kadiliman.

"Ned, where are you?" mangiyak ngiyak si Shane.

"Im here. Dont worry." sabi ni Ned at inilabas ang cellphone para magliwanag kahit konti.

Nang makita ng iba ang kanyang ginawa ay nagsilabas sila ng phone.

"Oh my god. I left my bag in the car. My phone was there." dismayadong sabi ni Alaine.

"Me too." ani Elise.

"Guys, tara. Hawak hawak tayo ha. Punta tayo sa may living room ng bahay para makaupo dun." suhestiyon ni Hiro. 

Dahil sa nagsama samang liwanag ng mga cellphone nila kaya hindi sila nahirapang makarating sa may sala ng bahay.

"Ang weird ng feeling." bulalas ni Gia.

Nagkanya kanya sila ng upo pero dikit dikit pa rin sila.

dug.. dug.. dug..

"Narinig niyo yun?" lumikot ang mga mata ni Shane. Nakayakap sa nobyo.

"Ang alin?" tanong ni Hiro.

"Shhh.." ani Gia at tinalasan din ang pandinig.

dug.. dug.. dug..

"Ano yun?" sabi naman ni Ned.

"Mga yabag?" hindi sigurado si Elise.

"May tao. May paparating na tao." anas din ni Nexor.

Papalakas ang naririnig nilang yabag pero wala naman silang makitang tao.

Nawala ang atensiyon nila sa naririnig na yabag dahil sa biglang pagsigaw ni Alaine.

"No! this cant be happening!" biglang sigaw ni Alaine.

"Hey why are you shouting,?" tanong ni Gia.

"Kanina kasi 4 am na when we decided to take a walk na lang. Pero ngayon.. " binitin ni Alaine ang anumang sasabihin niya. Sa halip, ipinakita niya ang oras sa cellphone na hiniram kay Hiro.

Halos manlaki din ang mata ni Nexor sa nakita.

Alam din niyang mag-uumaga na kanina.

Tinignan niya ang sariling orasang pambisig.,

Parang nanghina siya sa nakita.

12:00 am..

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon