Chapter 50

1.8K 44 7
                                    


Pinayagan ng makalabas ng ospital si Gia since maayos na ang kanyang lagay.

Nauna ng umuwi ang kanyang daddy sa Manila dahil inaasikaso ang kanilang business.

Nagpaiwan sila ng mom niya dahil na rin sa kanyang kagustuhan.

Marami pa siyang dapat gawin.

Hindi niya pwedeng pabayaan ang mga kaibigang nasa loob ng white house.

Pansamantala silang tumutuloy sa bahay nila Tanya.

Nasa may terrace si Gia at nagpapahangin ng puntahan siya ng kanyang mommy at tita Tanya.

"Anak, Tita Tanya wants to talk to you." Anang mommy niya at umupo sa harap niya.

Ngumiti si Gia.

"I also need someone to talk to, mom.." biglang lumungkot ang dalaga.

"Why?" Tanong ni Tanya.

Bumuntong hininga si Gia.

"I now remember.." aniya.

Naging interesado si Tanya.

Umupo sa tabi ni Thea.

"What do you remember Gia?" Tanong ng mommy niya.

"That day.. the accident..Tama kayo mommy, naaksidente nga kami, but I am not aware I was comatose after that." Malungkot niyang sabi.

"Nai-kwento mo na ang nangyari sa loob ng white house. Now, tell us about the accident so that we can sort it out." Nginitian siya ni Tanya.

Magaan ang loob ni Gia sa kaibigan ng mommy niya.

At may pakiramdam siyang matutulungan siya nito.

Sabi nga niya, isa siyang paranormal investigator.

"Nasa area na kami where white house was located, nang mapansin naming lagi namin itong nadadaanan. Hanggang sa biglang nag-stop si Nexor sa mismong tapat ng bahay. So napatingin kami dito. Particular sa bintana, may babaeng nakatayo doon. Kumaway siya sa amin. Natakot kami. Kaya we decided na umalis na, kaya lang yung driver, si Nexor parang nawala sa sarili. Natulala. He didn't even know kung bakit siya huminto doon. So we moved on. On our way, biglang may dalawang babaeng tumawid at nabangga ng sasakyan namin. Huminto kami para tignan sila pero nakapagtataka, walang tao sa buong paligid. Kahit sa ilalim ng van, walang tao. Aalis na sana kami pero hindi na nag-start yung van. We are stucked. Maglalakad sana kami hanggang sa city pero may nakita kaming malaking bahay. Maliwanag.. maraming ilaw.. gusto ng mga kaibigan kong pumasok, makituloy kahit sandali. Pero iba na ang pakiramdam ko. Sinabi ko sa kanila, pero walang naniwala. Hanggang sa makapasok kami.. but before that, mag-uumaga na yun. 4 am. Ang isa pang nakakapagtaka, pagpasok namin biglang namatay lahat ng ilaw. Ang oras, naging 12 am. Hanggang sa may nakita kaming babae. Si Sheila.." mahabang kwento ni Gia.

Tumigil siya dahil sa kakaibang reaction ni Tanya nang mabanggit niya si Sheila.

Pero sinabi ni Tanya na magpatuloy siya sa pagkwento.

At muli niyang ikwinento ang naranasan sa white house.

Tinapos niya kwento sa kung saan ay narinig niya ang mommy at daddy niyang tinatawag siya.
At nagising siyang nasa ospital na.

Huminga ng malalim si Tanya.

"Tanya, may tumugma sa kwento ni Gia at sa mga report ng pulis na nag-investigate sa accident." Biglang sabi ni Thea.

"What?" Usisa ng kaibigan.

"According to their report, bago daw mawalan ng malay yung driver who is Nexor, nasabi pa niyang biglang may tumawid na mga babaeng nakaputi. Kaya bigla niyang naapakan ang preno and the next thing he knew was bumaligtad na yung van. Same with what Gia said na biglang may tumawid right?" Ani Thea. Naguguluhan pa rin.

"Nasabi pa ni Nexor yun? Bakit noong nasa white house ako wala man lang naka-alalang naaksidente kami?" Maging si Gia ay naguguluhan.

"Maybe humiwalay agad ang mga kaluluwa niyo. Naglakbay agad at napadpad sa loob ng bahay ng mga Zaragosa." Paliwanag ni Tanya.

"Is that possible?" Tanong ni Thea.

"Yap, soul leaving their body. Sa mga accident madalas mangyari ang ganito. With their case, kailangang mai-guide ang mga naligaw na kaluluwa sa kanilang respective body or else, tuluyan na silang hindi makakabalik." Ayon pa kay Tanya.

Nabahala si Gia.

Nag-alala para sa mga kaibigan.

"They really need help before its too late." Ani Tanya.

Saglit na nagpaalam si mommy Thea dahil may tumatawag sa phone niya.

"How can I help them tita?" Desididong tanong ni Gia.

Minasdan siya nito.

Siya namang paglapit ni Thea.

Titig na titig sa anak.

"Why mom?" Nagtatakang tanong ni Gia.

"A-anak, s-si Alaine. Patay na." malungkot na balita ng ina.

Bumalong ang luha sa mata ni Gia.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon