Chapter 44

1.6K 36 1
                                    

Natahimik si Ned.

Nagitla sa mga binitiwang salita ni Sheila.

Magkahalong takot at gulat ang namamayani ngayon sa kanya.

Napatingin siya sa mga kasama.

Lahat sa kanya nakatuon ang paningin.

Naghihintay ng anumang rebelasyon mula sa kanya.

Mga tinging may kasamang pag-uusig.

"Ned, is there something you're hiding from us?" usig ni Shane sa nobyo.

Namutla ang binata.

"And why did Sheila talked that way? Parang dati kayong magkakilala or maybe may alam siya sayo." Dagdag naman ni Nexor.

"I dont know her. I swear." Naninindigan si Ned.

Nagkalituhan na.

Pero si Elise, may nararamdamang iba kay Ned.

Lalo na at may kutob silang patay na si Sheila.

Ano nga bang nalalaman nito kay Ned?

Anong lihim nito ang may hawak ng kasagutan bakit sila nasa bahay?

Sumakit ang ulo niya sa pag-iisip.

"Tama si Ned Sheila." Biglang sabi ni Elise.

"Masyado mo na kaming pinapaikot. May nalalaman ka pero ayaw mong sabihin. I'm getting sick and tired. Now, I'm begging you, tell us.." nagmamaka-awa na si Elise.

Tumingin ng masama si Sheila kay Ned.

Kinabahan si Ned.

Pinagpapawisan.

Sino ba talaga ang babaeng ito?

Posible bang isa siya sa mga biktima?

"Oh sige, hindi mo ako kilala. Hindi naman talaga eh. Pero alam ko lihim mo." Matapang na sabi ng dalaga.

"Lihim ka ng lihim. Eh sa hindi naman talaga alam ni Ned eh. Bakit ba kasi hindi mo sabihin sa amin." Naiinis na si Hiro.

"Hindi pwede! Ang kasalanan ay pinagbabayaran! Pinagsisisihan at lalong hindi dapat kinakalimutannnn!!" Sigaw ni Sheila. Galit na galit.

Humangin ng malakas.

At hindi simpleng lamig ang hatid kundi isang kilabot.

"Kung hindi dahil sa'yo, baka may pag-asang nakatakas kami. Baka sakaling BUHAY pa kami. At hindi lang yun, tama si Sandra. Isa kang duwag!" singhal pa nito at saka umiyak ng umiyak.

Nakakapanindig ng balahibo.

Dahil hindi simpleng iyak kundi isang panaghoy.

Panaghoy ng isang nalulungkot.

Ng isang nasasaktan.

Nawindang sila sa rebelasyon ni Sheila.

Napaatras.

Biglang tumawa si Sheila.

Na parang nababaliw na.

"Natatakot kayo? H'wag, dahil hindi niyo alam ang kapalaran niyo." Sabi pa nito na humalakhak.

Tumalikod at tinungo ang hagdanan.

Nasa kalagitnaan ito ng biglang naglaho.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon