Chapter 10

2.2K 48 2
                                    


"Hindi niyo na sinagot yung tanong ko." untag ng babae.

"What?" nakataas ang kilay na tanong ni Shane.

"Tinatanong ko kung paano kayo nakapasok dito." anang babae.

"Simple lang, bumukas ang pintuan." papilosopong sagot ni Hiro.

"Imposible. Sino naman ang nagbukas ng pinto?" namamanghang tanong pa ng babae.

"Well, iyan din ang ipinagtataka namin. Kanina sa gate, nagdoorbell kami tapos biglang bumukas, so we assume na baka automatic at de remote. Then sa pinto, we knocked pero we wonder kung maririnig ba sa loob, but to our surprised, biglang nag-open. We thought someone opened it pero wala din namang tao. At pagkapasok pa lang namin, namatay ang mga ilaw, biglang dumilim." mahabang salaysay ni Ned.

Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ng babae.

"Di kapani-paniwala." nasabi nito.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Gia.

"Unang una, matagal nang tinanggal ang doorbell sa may gate. Nakatali na lang din ito ng makakapal na kadena." sabi nito.

"What? eh wala namang kadena doon di ba?" tanong ni Elise at tumingin kay Nexor.

"At hindi rin automatic o de remote ang pintuan dito. Lalong walang kuryente dito dahil matagal nang pinutol kaya imposible ang sinasabi niyong maraming ilaw. Matagal nang walang nakatira dito." dagdag pa ng babae.

Napatda sila Gia.

"Paanong.... pero kanina maliwanag dito... maraming ilaw... ang gate, kusang bumukas.." halos manlaki ang mga mata ni Nexor.

"Kung walang nakatira dito, Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Bakit marami kang alam tungkol dito?" sunod-sunod na tanong ni Hiro.

Tinignan sila isa isa ng babae.

Parang gustong makaramdam ng takot nila Alaine at Shane.

Samantalang nakipagtitigan sina Gia at Elise sa babae.

"Ang sabi mo naka- kadena ang gate? paano ka rin nakapasok dito?" usisa ni Ned.

Ngumiti ang babae.

"Ako si Sheila."

"Sheila?'' panabay na sabi nila Gia at Nexor.

* * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon