Chapter 53

1.8K 44 1
                                    

Hindi lang si Elise ang nakapansin ng kakaibang ikinikilos ni Alaine.

Ang lagi nitong pagkatulala at biglang iiyak.

"May problema ba Alaine?" Hindi na siya nakatiis at nilapitan ito.

Walang kibo ang dalaga.

"Kung iniisip mo ang sitwasyon natin dito, have faith in god. Hindi niya tayo papabayaan." ani Hiro.

Mula sa pagkakadungaw sa bintana ay napatingin sa kanya si Alaine.

Napailing.

"I dont think so. Pinabayaan na NIYA tayo. Ikaw, are you not worried about our situation?, You know what Hiro? I'm giving up. Because by now, I know.. we are in a situation na walang katiyakan."

"Paano mo nasabi?" Naguguluhang sabi ni Hiro.

"Sa tingin mo bakit hindi tayo nakikita nila Gia? Bakit di nila tayo naririnig?" Tanong sa kanya ni Alaine.

Narinig naman ng mga kasama nila ang kanilang pag-uusap.

Nagsilapitan.

"Kayo? Hindi ba kayo nagtataka? Why are we here in the first place? Dahil sa nagawa ni Ned? Most of all, bakit natin nakakasalamuha si Sheila? Knowing she's a ghost na?" May panlilisik sa mata ni Alaine.

Walang makasagot.

Tahimik sila at nagtitinginan.

Nagpatuloy si Alaine.

"Hindi kaya kapareho na lang tayo ni Sheila? Mga kaluluwang naligaw at nakulong dito?" Ayaw paawat ni Alaine.

Kinilabutan si Elise.

"Dont say that Alaine. Buhay pa tayo. Buhay na buhay. Makakaalis tayo dito and Gia is doing something, i'm sure." Pampalakas loob ni Elise.

Tumawa ng mapakla si Alaine.

"Come on El. Hindi mo ba naisip na baka totoong sumemplang ang sasakyan natin? Like Sheila told us, we are lucky na nabuhay daw tayo? What if nasawi nga tayo sa aksidente?" Naiiyak na si Alaine.

"You're talking nonsense Alaine. If you think youre dead then so be it. Huwag mo kaming idamay." Singhal ni Shane.

Nagkibit balikat si Alaine.

"Pwede ring tama ka diyan. Baka nga ako lang ang namatay." Malungkot na wika ni Alaine.

"Cut that craft Alaine. You're insane! Pls. wag kang magpadala sa mga nangyayari sa atin dito." Ani Ned.

Isa-isang pinagmasdan ni Alaine ang mga kaibigan.

At malungkot na umiling-iling.

"I-I'm not crazy. I'm serious. I hate to tell you guys.. pero just like Sheila.. I'm already dead."

Napanganga sila Elise at Shane.

Samantala, hindi naman masakyan nila Nexor, Ned at Hiro ang trip ni Alaine.

Hindi nila maintindihan kung bakit niya sinasabing patay na siya.

"Totoo ang sinasabi ko. Kanina, hindi ko alam ang nangyari pero may pwersang nagtutulak sa akin na umakyat sa taas and on my way, may nakita akong nakaitim na babaeng may hawak ng kandila. Ewan ko pero siya ang sinusundan ko hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto, at doon may nakita akong kabaong. Takot na takot ako. Gusto kong tumakbo palayo pero itinutulak ako palapit sa kabaong. Nagulat na lang ako nang makita ko ang sarili kong nakahiga sa loob. Napasigaw ako. Pagtingin ko sa likod, yung babaeng nakaitim ay ako din." Salaysay ni Alaine.

"Baka namalikmata ka lang. Or maybe, pinaglalaruan ka." Sabi agad ni Nexor.

"Hindi. Dahil gaya ni Gia, may pwersang humigop at dinala ako sa isang burol. Sa harap ng isang kabaong, nandun lahat ang family ko. Umiiyak,malungkot. Tumakbo ako para yakapin sila pero tumagos ako. And there, nakita ko kung sino ang pinaglalamayan nila. Ako." Pumatak ang luha ni Alaine.

"Pero, baka naman you're just dreaming. You're having a nightmare." Bulalas ni Elise.

"Sana nga binabangungot lang ako. Pero hindi El, gising na gising ako. Alam niyo ba, hindi nila ako nakikita at naririnig pero sila naririnig at nakikita ko. Yung pinagluluksahan ako. And worst, narinig ko kung paano ako namatay. I've met an accident with my friends. Na tumama ang aking ulo sa matigas na bagay na naging sanhi para mabasag ang bungo ko. Halos nakaluwa ang mata at ang narinig ko pa, baka daw gumapang ako palabas ng bintana ng van kasi nakalabas yung kalahati ng katawan ko.." parang nandidiri si Alaine habang nagku-kwento.

Nagtinginan sila Elise, Nexor at Ned.

Iisa ang nasa isip.

At pare-parehong nanlamig.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon