Chapter 3

3.2K 64 2
                                    

"Magda-drive ako hanggang Baguio..

Magda-drive ako hanggang Bicol..

Magda-drive ako hanggang Batangas..

Tapos magswi- swiming dun sa beach.."

Nagkakantahan pa silang magkakaibigan habang nasa biyahe paakyat ng Baguio.

Dahil sembreak kaya nag-usap usap silang mamasyal ng Baguio.

"Oh my, did you just feel it?" Biglang tanong ni Shane.

"Feel what?" balik tanong ng nobyong si Ned.

"Malamig na, it only means malapit na tayo sa Baguio." excited na si Shane.

"Talaga? That's one of those reasons why I almost kneel down to my parents. Ayaw ako payagan eh." Ani Elise.

First time niya pumunta ng Baguio.

"One of those reasons?, so what else?" usisa ni Alaine.

"Hmm.. aside from the cold weather, excited din akong i-explore yung ibat-ibang tourist spot ng Baguio." at nag-giggle pa ito.

"Ako, gusto kong ma-experience yung mga naranasan ng mga pinsan ko." Sabat naman ni Nexor na siyang nagmamaneho.

"Ano naman ang naranasan nila?" tanong ng nasa tabi niyang si Hiro.

"I bet, it has something to do with ghosts? well Baguio is famous about having places with ghosts, right?" Anang mahilig sa adventures na si Elise.

"Tumpak ka diyan El." ani Nexor.

"Mind sharing us?" Hiling ni Alaine.

Kaya naman napakwento si Nexor.

"Sabi nila, on their way to camp johnhay, biglang nag stop yung car nila. So when my cousin who is driving went out of the car to check, may sumalubong daw sa kanyang malamig na hangin. But he just ignored it since malamig naman daw talaga. But then, wala naman daw sira yung makina, hindi rin nag-overheat. At nung ibinaba na niya yung bumper napansin niyang may nakaupo sa driver seat. Nakaputi at nakalugay ang mahabang buhok. Akala niya yung younger sister niya yun." Huminto sa pagku-kwento si Nexor at tinignan ang mga kasama sa may rear view mirror. Pawang seryosong nakikinig sa kwento niya.

"What happened next?" nabitin si Hiro.

"Pagsakay niya sa kotse nilingon agad niya yung kapatid niya sa backseat dahil napansin niyang nakamaong shorts ito at blue sweatshirt, naka-bonnet din ito ng blue. At yung brother naman niya who is seated next to him is wearing a red shirt. Kinilabutan siya. Hindi na niya naikwento sa mga kapatid niya, baka daw may mag- freak out." muling kwento nito.

"Yay, white lady?" tanong ni Shane na yumakap sa nobyo.

"Walang nakakaalam." sumeryoso si Nexor.

"Exciting!" hindi man lang natakot si Elise.

"Well, you can say that after hearing what else they had experienced." wika ni Nexor.

"So there's more?" nanlalaki ang mata ni Alaine.

Tumango si Nexor.

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon