Chapter 65

1.9K 55 9
                                    


Matapos makuha ang katawan ni Sheila na isa ng kalansay ay inilibing agad ito.

Pinabendisyunan na rin ang bawat sulok ng white house.

Naging maaliwalas ang buong paligid.

Ang laki naman ng pasasalamat ni Aling Martha kina Gia.

Sinabi rin ng matanda na napanaginipan nito si Sheila na masayang nagpapaalam sa kanya.

Samantala, matapos makalabas ng mga nakulong na kaluluwa nila Elise, Nexor, Ned at Shane agad nilang binalikan ang kanilang katawan.

Para lang silang mga tulog at biglang nagising.

Maliban kay Shane na tila raw milagrong nagising at nabuhay sa kabila ng malaking pinsalang naidulot ng aksidente sa kanya.

Naipit ang ulo niya sa bintana ng van at halos humiwalay sa kanyang leeg.

Anumang nangyari sa kanilang magkakaibigan ay mananatili na lang sa kanila at walang ibang pinagsabihan.

* * * * * * * *

Nasa sementeryo silang lima kung saan magkatabi lang ang puntod nila Alaine at Hiro.

"Oh baka naman hanggang diyan magbatukan pa kayo ha?" Biro ni Nexor.

Nakaupo at kausap ang puntod ng dalawa.

"Loko, mamaya bumangon diyan si Alaine, ikaw ang batukan niya."biro din ni Elise.

Nagtawanan sila.

"But seriously, our friendship will never be the same again without you guys." Malungkot ding sabi ni Shane.

"Yah right. We will miss you guys. And we love you." Sabi naman ni Ned. Hinimas pa ang lapida ng dalawa.

"Alaine, Hiro, nasaan man kayo ngayon, magiging masaya kami dahil hanggang sa huli, magkakasama tayo. Sana maging masaya din kayo." Pigil ang luha ni Gia.

"Gia, gusto ko rin mag-thank you kasi itinaya mo ang sarili mong buhay makalabas lang kami sa white house. Isa kang tunay na kaibigan. Salamat!" Wika naman ni Elise.

"Oo nga, ikaw ang aming superhero." Banat ni Nexor.

"So what are we waiting for? Group huggg..." at ibinuka ni Ned ang kamay.

Nag- group hug sila.

Bigla silang nakaramdam ng lamig.

Parang may hanging yumakap sa kanila.

Agad silang nagbitiw.

Nagtinginan.

Napatingin sila sa puntod nila Alaine at Hiro.

Namatay ang mga kandilang nakatirik.

Nagtinginan ulit sila.

At saka nagtakbuhan.

             THE END...

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon