Chapter 30

1.9K 40 6
                                    

NED'S POV

"Ahhh!" Sigaw ko nang maramdaman kong may dumantay sa aking balikat.

"Ssshh.. h'wag kang maingay, natutulog yung tatlo.."

"Damn you Nexor! Ikaw lang pala yan." Parang bigla akong pinagpawisan.

"Dont tell us, nahawa ka na kay Shane? Magugulatin na, matatakutin pa." Biro ni Elise.

Hindi ako nagsalita.

Parang tama nga siya. Naging magugulatin ako.

Nang dahil sa naranasan ko sa bodega kanina.

"Sinong tulog?" Tanong ni Gia.

"Sila Shane, Alaine at Hiro. Baka napagod."

"Si Sheila?" Si Elise ang nagtanong.

"Andun pa rin. Sa may bintana. Nagtataka nga ako diyan, parang laging nakatayo dun." Sabi ni Nexor.

"Maaari ba tayong umupo habang nagkukwentuhan?" Sabi ko at sumalampak sa sahig.

"As in diyan?" Nakapameywang pa si Elise.

"Yap, para hindi magising ang mga tulog." Sagot ko.

Nagsi- salampak naman sila.

Inilagay naman ni Gia ang lampara sa gitna.

"Ano nga pala yung narinig kong ikinu-kwento mo Ned?" Usisa ni Nexor.

"Kanina kasi sa 2nd floor, sa paghahanap ng exit, isang bodega ang napasok namin. Nagpaalam ako kina Shane na pupunta sa pinakasulok para tignan kung may daan palabas. Kaya lang sobrang maalikabok at mabaho doon sa sulok kaya babalik na sana ako nang makarinig ako ng iyak. Nakakakilabot sa totoo lang. May sinasabi siya na kesyo hindi ko raw sila tinulungan. Sinubukan kong tawagin siya pero patuloy lang sa pag-iyak. Parang may sinabi pa siyang 'duwag'. Hindi ko siya maintindihan eh. Ang nakakatakot pa nung humarap siya sa akin wala siyang mukha.." ramdam ko pa rin ang kilabot habang nagkwe-kwento.

"Then anong nangyari?" Nabitin yata si Elise.

"Namatay kasi yung lampara kaya hindi ko na siya nakita.." tumingin ako kay Gia.

"May hindi lang ako ma-gets eh." Aniya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Yung sinabi niya kamong.. 'di mo raw sila tinulungan' at ' duwag'.." sabi ni Gia.

"Oo nga, she seems to have a message." Sabi naman ni Elise.

"Come to think of it. If her message was for you.. then.. " putol namang sabi ni Nexor.

Seryoso silang tatlo.

Nakatingin sila sa akin.

Nakaramdam ako ng kilabot.

Ng takot.

Alam ko ang gusto nilang sabihin pero im in denial.

Imposible.

"Ned, have you been here?" Tanong ni Elise.

"Dito sa house na ito?" May kaba sa dibdib ko.

Tumango ito.

Tumingin ako kay Gia.

Titig na titig siya sa akin.

Tila nang-uusig.

"Never.." wika ko.

Minsan napadaan but never been here. Sigaw ng utak ko.

"So what's that message all about?" Parang may iba kay Gia.

Nagkibit-balikat ako.

"Well, kung hindi mo alam, then so be it. Anyway Ned, kanina nasa labas yung nanay ni Sheila at isa pang matanda. We tried to asked their help but it seems like they can’t hear us. Hindi rin yata kami nakikita." Bigay-alam ni Elise.

Wala akong masabi.

Tuliro ang isip ko.

Lalo't nakatingin pa rin si Gia sa akin.

Nababasa ba niya ang isip ko?

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon