Chapter 32

1.7K 36 4
                                    


"Pambihira naman oh! ikaw lang pala." Lumapit si Gia sa may bintana ng makilala ang babaeng umiiyak.

Tinignan lang siya ni Sheila.

"Umiiyak ka ba dahil sa nanay mo?"

"Gia, bigla kasi akong may naalala. Pero natatakot ako. Parang ang hirap tanggapin.." huminto siya sa pag-iyak.

Sa labas pa rin ng bahay siya nakatingin.

Naguluhan bigla si Gia at na-curious.

"Ano ba yun?"

"Gia, may hindi tama eh."

Parang gustong kabahan ni Gia.

Lalo at nakatingin ng deretso sa kanya si Sheila.

Hinawakan niya ito sa kamay.

Bigla siyang kinilabutan.

Ang lamig ng mga kamay ni Sheila.

"Ipangako mong hindi ka matatakot." Pakiusap ni Sheila.

Nag-isip muna si Gia.

Ngayon pa lang nga kinakabahan na siya.

Natatakot na.

"Yung mga nasa oil painting na tinitignan niyo kanina, sila ang may-ari ng bahay na ito. Sila ang pamilya Zaragosa. Ang amo ng Inay. Ang nagpa-paaral sa akin.." nag-umpisang mag-kwento ni Sheila.

Naging interesado si Gia.

"Nasabi mo dati na patay na sila, ano bang ikinamatay nila?" Usisa ni Gia.

Napabuntong hininga si Sheila.

"Pinatay sila Gia." May galit sa boses nito.

"Pinatay? Bakit? Sinong pumatay?" May bahid ng takot sa kanyang tinig.

"Mabait ang pamilya Zaragosa. Hindi nila kami itinuring na katulong lang. Si Sir David, napakabait. Laging bukas ang palad sa mga humihingi ng tulong. At si Ma'm Serena, napaka-matulungin din at may mababang puso. Si Sandra, ang anak nila, panganay lang ng isang taon sa akin, ang naging bestfriend ko. Lagi akong isinasama sa kanyang mga lakad. Minsan nga napagkakamalan kaming kambal.."

Huminto siya sa pagkwento.

"Ang ganda-ganda niya. Maraming manliligaw pero hindi iyon ang priority niya kundi ang maging doctor balang araw.. At si Jasper, ang bunsong anak ng Zaragosa. Makulit pero masayahin. Walang ibang iniisip kundi ang maglaro.. " muling huminto si Sheila.

Tahimik namang nakikinig si Gia.

Parang gusto niyang matakot pero mas nananaig ang kagustuhang malaman ang buong kwento ng bahay.

Kung bakit may mga pagpaparamdam ang mga may-ari.

"Hanggang isang gabi.." pagpapatuloy ni Sheila.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon