Chapter 55

1.7K 42 2
                                    


Nasa may terrace ulit si Gia.

Nag-iisip.

Galing sila ng mommy niya sa ospital.

Dumalaw sa mga kaibigan niyang hanggang ngayon ay wala pang nagigising.

Pero kanina, isang malungkot na balita ang natanggap.

Wala na si Hiro.

Patay na siya.

"Hindi na nagre-response ang katawan niya sa mga gamot na itinatarak sa kanya. Actually, he's a real fighter. Ayaw na ng katawan niya pero pilit niyang nilalabanan. Kaya lang, hindi na kinaya."

Parang naririnig pa niyang sabi ng mama ni Hiro.

Eksakto namang binawian na ng buhay si Hiro.

Nakakaawa ang itsura nito sa ospital.

Maraming nakakabit na tubo sa katawan.

Malaki din ang tahi ng tiyan sanhi ng pagkawakwak.

"Juice?" Inilapag ni Tanya sa mesang nasa harap niya ang isang baso ng juice.

"Thanks tita. Si mommy po?"

"Ka-chat ang dad mo. Ok ka na ba?"

Umiling siya.

"Tita, bawas na naman kami. Baka mahuli na tayo." Nag-aalalang sabi ni Gia.

"Dont worry. Bukas, isasagawa na natin ang plano." Kahit alanganin pa rin si Tanya.

May takot pa rin siya na baka hindi sila magtagumpay.

"Really tita?," bigla siyang nabuhayan ng loob.

"Kaya kailangan mong magpahinga. Hindi pwedeng pagod ang isip at katawan mo." Paalala pa ni Tanya.

"Naisip ko lang tita, yung isang kaibigan ko nakitaan din namin ng signos gaya ng nakita namin sa dalawang namatay kong kaibigan. Nagkaroon din siya ng doppelganger, at nakita namin ang katawan niya sa sasakyan."

"Hindi ko alam Gia, tanging ang diyos na lang ang nakakaalam. Sa ngayon, kailangan nating manalig sa panginoon." Saad ni Tanya.

Ngumiti si Gia.

"And good news nga pala, pinuntahan ko kagabi si Aling Martha, nakausap niya na ang kapatid ni Mr.Zaragosa.
Pumayag na siyang makapasok tayo in a condition na walang masisira sa bahay, walang mawawalang gamit at walang masasaktan sa atin." Nakangiting balita ni Tanya.

"That's great." Masayang sabi ni Gia.

"Bukas Gia, kailangan mong maging malakas at alerto. Kailangan ding buo ang tiwala mo sa akin at sa sarili mo. Higit sa lahat, kailangan natin ang matibay na paniniwala sa Diyos." Ani Tanya.

"Ano nga po ulit ang gagawin natin?" Kailangang maging malinaw sa kanya ang gagawin.

"Hypnosis Gia.."

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon