[KRISTOFER MONFORT WU]
Tanga Kristofer. Isa kang malaking TANGA! Bakit ka umakto ng ganun? Ano na lang sasabihin sa'yo ni Erliyah na isa kang gwapong manyak? Tss. Kristofer ang bobo mo! Tsanggala!
Ang tagal niyang nandun sa taas. Mag kakalahating oras na ata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag-sorry naman na ako sa kanya kailangan ko pa bang ulitin? Tss. Bumababa ang pride ko dahil sa babaeng to'
Napahinga ako ng malalim at umakyat sa taas. Bahala na nga!
Tok .. Tok ..
Kumatok ako dun sa unang kwarto pagka-akyat ko. Mukhang dito ata kwarto niya e.
"Erliyah. Look I'm sorry. Hi-hindi ko sinasadya yung kanina. Naasar lang ako kaya ko iyon nagawa. Wag- wag ka sanang magalit sa akin. Nakokonsyensya kasi ako. Sorry talaga hin--"
"Anong ginagawa mo dyan sa tapat ng kwarto ni Aliyah? May kailangan ka ba?" sabi ni Erliyah at lumabas dun sa kabilang pintuan. Whaaaat? Nagdadrama ako dito tapos hindi naman pala dito yung kwarto niya? Kainis!!!
"Tss. Turuan mo na nga lang ako!" sigaw ko at nagpatiuna akong bumaba. Sayang effort ko mag-sorry hindi rin pala siya nakikinig ang masama pa nun hindi naman ata niya nadinig. Ibinaba ko ang pride ko at nagsorry sa kanya. Tss! Wala naman palang kwenta.
"Baba." at nagpantig ang tenga ko sa tawag niya sa akin. Tss! Dahan dahan ko siyang nilingon at binigyan naman niya ako ng isang malawak na ngiti. Hindi ko na siya pinatulan dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya. Pasalamat siya tinatamaan ako ni konsyensya ngayon at hindi ko muna papatulan ang mga pang-aasar niya.
"Baba... Baba pansinin mo ako. Hindi kita tuturuan sige ka!" sabi niya. Kaya kahit labag sa kalooban ko liningon ko siya at binigyan ng ngiti.
"Tss. Ang plastic ng ngiti mo. Baba ayusin mo!" pilit niya sa akin. Wag kang papatol Kristofer. Timpi lang. Timpi!!
"Baba Kers?"
"Baba pansinin mo ako. Yuhooo!"
"Ba--"
"Stop it Erliyah. Naririndi na ako sa kakasabi mo ng Baba. Please? Turuan mo na lang ako. Kasi ayun naman talaga ang pinunta ko dito at hindi para makipagtalo sa iyo." seryosong sabi ko tapos natigilan naman siya at sumimangot. So ano? Ako na naman ang may kasalanan? Tss.
"Kahit minsan naman sana bumait ka sa akin. Lagi ka na lang nasa menopausal stage mo. Hmp!" at tinalikuran ako. Aba! Kung alam mo lang Erliyah mabait na ako sa lagay na ito kasi kung hindi baka kanina pa kita pinatulan. Pasalamat ka ma-- mabait ako ngayon tss.
"Game na seryoso na ako. Amina yung libro at notes mo." sabi niya buti naman at nagseryoso na siya. Kaso hindi pa rin niya inaalis yung pagkakalukot ng mukha niya. Tss!
"Ganito kasi ya--"
"Ano bang ikasasaya mo?" tanong ko. Nabobother kasi ako sa pagsimangot niya. Hindi ako sanay na ganun siya at hindi ko rin naman gustong nakikita siyang malungkot.
"Pumayag ka lang na tawagin kitang Baba." napapikit na lang ako. This is annoying -.-
"Okay. If that's what you want then let it be." sabi ko. Nagliwanag naman agad ang mukha niya at parang nawala na din yung guilt sa akin.
"Ta-talaga? Baba na tawag ko sa'yo? Waaaaah! Ang cute. Baba baba baba~" nagpapapadyak na sabi niya.
"Pero pwede ba? Wag naman paulit ulit nakakarindi kasi e. Atsaka insulto pa rin yan sa akin pasalamat ka na lang at naguguilty ako kaya ako pumayag." sagot ko. Nako! Kristofer dapat matuto ka ding ayawan ang babaeng yan. Baka mamihasa.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?