[KURT MIGUEL SANDOVAL]
Another day to enjoy eating. Hooray! I'm on my way sa cafeteria ang pinakamamahal kong cafe.
"Hi Kuya Kurt ang pogi pogi mo talaga. pwede pong pa picture naman kami please?" sabi nung ilang highschool girls na nagkalat dito. Ano ba yan masisira pa ata ang moment namin ng mga mahal kong pagkain.
"O-okay." at nagtilian naman sila. Syempre pumayag ako kasi mabait ako e.
*pose pose*
"Kyaaahhh~~ ang pogi mo po talaga Kuya Kurt. Sandali lang po may ibibigay kami sa inyo." hayyy. Ang tagal naman nila nagugutom na ako. ToT
"Kuya Kurt nagbake po kasi kami kanina. Para po sa inyo!" pagkain. Automatic akong napangiti at agad na tinaggap iyon.
"Thank you. Sana di na kayo nag abala pa. Grabe ang babait niyo. Sige na mauna na ako ah!" paalam ko at nagtilian na naman sila.
Habang naglalakad tinikman ko yung cookies hmmm. masarap naman worth it naman yung pagkakalumbay ko panandalian sa aking mga mahal na pagkain.
"Aba naman Kurt hindi ka pa nga nakakaupo dito may pagkain ka na agad na hawak. Ibang klase ang tiyan mo. Hahaha" sabi sa akin ni Erliyah at nagtawanan naman sila.
"Eh kasi gwapo nga ako. Ang pagkain na ang lumalapit sa akin!" mayabang na sabi ko
"Penge nga." at dumukot agad si Blake sa lalagyan ko.
"Oh anong problema niyan?" at ininguso ko si Lesley na nakabusangot ang mukha.
"Ewan ko dyan. Ayaw naman magsabi pag tinatanong siya." sagot ni Valerie.
"Pabayaan niyo na nagdadalaga na ata haha." biro ni Charlie at ayun may lumipad na kutsara buti na lang nakailag agad si Charlie.
"Tsh! bakit ba ako trip niyo?" sabi ni Lesley.
"Eh ang cute mong maasar e." sagot sa kanya ni Luis.
Nanahimik na lang sa isang tabi si Lesley asar talo. hahaha! Basta ako kakain na lang ng kakain dito--
"Anak ng tokwa ka Blake asan na yung cookies ko dito?"
"Huh? ako. *chomp* *chomp* bakit ako? " tanong niya habang ngumungugya.
"Pre hindi halatang ikaw e." at tumayo ako para bumili ng pagkain ko.
"Kurt!" may tumawag sa akin kaya nilingon ko.
"Oh Tiffany?" bati ko.
"Si Nics?"
"Andun sa may table namin. Kasama ang tropa. Bakit?" takang tanong ko.
"Ah ganun ba? Ako na lang magsasabi salamat!" at umalis na.
Ano kaya yun? basta ako kakain na lang.
[NICOLE GRACE SAN PEDRO]
Nag-aaway na naman sina Aliyah at Blake hahaha! walang bago dun sanay na kaming lahat.
"Ah. Excuse me pwede ko bang makausap ko si Nicole saglit?" sabi ni Tiffany.
Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Ano iyon may problema ba?" agad kong tanong
"Well, bibisita bukas dito ang may-ari ng school." panimula niya.
"and so?"
"Sinabi ni dean na dapat daw lahat ng club makapaghanda ng presentation para bukas." dagdag pa niya
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?