[LESLEY SHANE CABRERA]
"Uy. Tara na puntahan na natin si Erliyah." aya sa akin ni Valerie
"Ha? Wait lang. May hinahanap lang ako." sabi ko at nagpalinga linga ako. Ngayon na kasi yung Prince and Princess MIS kaya ang daming tao ngayon dito. Open for outsiders ang event at nung kumalat na kasali si Kristofer aba dumagsa ang mga nagkakagusto sa kanya.
"Sinong hinahanap mo? Si Sedric? Bakit kasi di mo itanong kay na Thunder? Malamang alam nila kung nasan iyon." sabi ni Valerie
"Aish! Oo na eto na. Mauna ka na dun hahanapin ko lang yung mga kaibigan niya." at umalis na ako
Naglibot libot muna ako sa labas ng auditorium. Asan kaya yung mga kaibigan nung lalaking yun? Tss. Hindi naman kasi ako kinocontact ni Sedric simula pa kahapon. Hindi ko naman alam kung bakit. Tsk! Eto na naman tayo sa hindi nagpaparamdaman e. -_- ..
"Chase..." tawag ko. Agad naman silang tumigil
"Oh bakit?" sagot niya
"Si Sedric nasan?" tanong ko. Tapos nagkatinginan naman silang lahat.
"Hindi nga namin alam e. Hindi kami kinocontact nang loko. Bakit may problema ba?" sagot ni Drake. Huh? Nakapagtataka naman yun. Maging sila hindi nila alam kung nasan si Sedric?
"W-Wala naman. Sige thank you." sagot ko.
"Sabihan na lang namin siya kapag nakita namin. Sige puntahan lang namin si Kristofer sa dressing rooom ah. Bye!" paalam nila.
Hindi ko maiwasang malungkot. Wala na naman si Sedric. Hindi ko na naman alam kung nasan siya. Nawala ako sa mood kaya naglakad lakad muna ako hanggang sa dinala na ako ng mga paa ko sa parking. Gusto ko nang umuwi pero syempre dapat suportahan ko si Erliyah.
"Iniwan mo na naman ako." sambit ko. Nandito na ako nakasandal sa kotse ko at pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung uuwi ba ako o hindi.
"Sabi ko na ikaw yan e." nagulat na lang ako nang sumulpot si Sedric sa harap ko.
"What's with the sad face my princess?" tanong niya at iniangat ang mukha ko. Mukhang pagod siya ah?
"Akala ko kasi... Akala ko iniwan mo na naman ako. Nawala ka na naman ng wala akong kaalam alam kung saan ka nagpunta." sagot ko.
"I'm sorry hindi ako nakapagsabi. Emergency kasi. Pumunta ako ng Korea kanina at kababalik ko lang. Dito na nga agad ako dumiretso pagkalapag ko e. I'm sorry my princess kung pinakaba na naman kita. Hindi ko na uulitin. I'm sorry." malambing na sabi niya. That explains why he looks so tired.
"Okay lang. Apology accepted!" sagot ko.
"Pwede ba akong mag-charge?" sabi niya.
"Huh? Yung charger ko nasa bag ko e. Na kay Valerie bag ko. You can use my phone if you want." then I handed him my phone.
He smiled. "Not talking about that Sweetie."
"Ang gulo mo na--" nagulat na lang ako ng yumakap siya sa akin.
"Pa-charge ng energy sa'yo. Sobrang napagod ako sa biyahe e. Kahit mga 5 minutes lang payakap muna." sabi niya
Dug ... Dug ...
Kinikilig ako. Ayan na ha! Inamin ko nang kinikilig ako kay Sedric.
I hugged him back at naramdaman kong ngumiti si Sedric.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?