Chapter 58

5.7K 206 7
                                    

[CHASE ENRILE]

Merong kakaibang atmosphere ang mararamdaman mo sa table namin. Walang nagbabalak magsalita. Tahimik lang silang kumakain. Nakakapanibago.

"I have something to tell you guys." sabi ni Kristofer. Lahat naman ng atensyon ay napunta sa kanya maliban kay Erliyah na patuloy lang sa pagkain at parang di pinansin si Kristofer.

"I'll court Erliyah."

Nalulon ko ng buo yung ice cube sa iniinom kong juice. Halos maibuga ni Thunder yung iniinom niya. Naibagsak ni Lesley ang tinidor niya. Pero ang kapansin pansin na reaksyon ay ang kay Erliyah at Charlie. Napanganga na lang si Erliyah at mabilis namang hinawakan ni Charlie ang kamay ni Erliyah.

"Hindi ka pa ba tapos mag joke Kristofer? Nung isang gabi ka ah!" asar na sabi ni Erliyah.

"Mukha ba akong nagbibiro tungkol sa'yo Erliyah?" agad na sagot ni Kristofer.

P*tngina! Gulo na naman ito. Bakit ba napakadalos dalos na tao nitong si Kristofer?! Alam kong may possibility na gusto niya si Erliyah pero alam niyang nililigawan na ni Charlie si Erliyah.

"Tngina! Ano talaga ang nangyayari?" naguguluhang sabi ni Jester.

Pero nagulat kaming lahat ng tumayo si Charlie at umalis. Agad naman siyang sinundan ni Erliyah.

Kaming mga naiwan dito sa table ay parang natulala. Lahat kami nagiintay sa sasabihin ni Kristofer.

"Matagal ko na siyang gusto." sabi niya at tumayo na risiyaya at umalis.

Ay ptngina! Sabi ko na nga ba! Pero p*tngina ulit dahil baka magkagulo ulit kami.

[ERLIYAH MAE SANTOS]

"Charlie..." I uttered.

"Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali ng pakiramdam. Gusto ka niya Erliyah." sabi niya sa akin.

"Charlie hindi ko naman siya gusto." agad kong sagot.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil ikaw ang gusto ko." at para namang nakalma siya sa sinabi ko.

"I'm sorry." at inakap niya ako.

"Ako ang dapat mag-sorry Char. Ayokong masira ulit kayo ng dahil sa akin. A-Ayokong maging dahilan ako ng pag-aaway niyo." sabi ko. I worked too hard para magkaayos sila ayokong ng dahil din sa akin ay masira iyon.

"No it won't happen. Trust me. Iintindihin natin si Kristofer." sagot niya sa akin.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon