[CHARLIE PARK]
Pagkapasok ko ay agad kong napansing wala pa si Erliyah. Anong nangyari sa kanya? Hindi niya sinasagot yung texts at tawag ko.
Nilapitan ko si Aliyah, "Si Erliyah, okay lang ba siya? Papasok ba siya?" tanong ko.
"Nalate ng gising pero papasok daw si-- ayun na pala eh." sabi niya sabay turo dun sa pumasok.
"Oh My God! Bakit ganyan ang mata mo?! Super maga, umiyak ka ba ng sobra?!" sabi ni Lesley at nilapitan ito.
"I-Ito? Okay lang ako. Nanood lang ako ng movie kagabi, sobrang nakakaiyak tas nakatulog ako." sabi niya. I know that's a lie! Bakit ba nawiwili siyang magsinungaling tungkol sa nararamdaman niya?
"Aliyah, what happened?" tanong ko.
Nagulat naman ito, "H-Hindi ko alam! Bakit sa akin ka nagtatanong? S-Siya tanungin mo." sabi niya at nag-iwas ng tingin.
Naupo ako sa tapat ni Aliyah, "Aliyah, pinsan ka ni Erliyah. Alam kong sa'yo siya unang magsasabi ng problema niya. I need to know, please." sabi ko.
"Charlie, umamin ka nga sa akin. Are you still into her?" diretsong tanong niya. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin.
Ako rin ang unang nag-iwas, "Hindi ko rin alam." sagot ko.
"Kagabi umuwi siyang umiiyak, tinanong ko siya kung bakit pero wala siyang sinabi sa akin. Nakiusap siya sa akin na itext ko si Kristofer kagabi at sabihing nakauwi na siya. Ayun lang. Wala talaga akong alam. Nagkulong na siya sa kwarto pagtapos nun. Tingin ko may away sila ni Kristofer na malala. Hindi naman kasi siya yung tipong iiyak dahil lang sa maliit na bagay. Tsaka nasabi din sa akin ni Drake na naitext daw niya kahapon si Kristofer na dinala mo sa infirmary ng architecture department si Erliyah. Ibig sabihin silang dalawa ang magkasama bago ito umuwi." kwento niya.
Napabuntong hininga ako, just what I thought. Mukhang magka-away nga sila.
"Let's make her happy today." sabi ko.
[ERCIELLE JUNG]
"Hanggang ngayon hindi pa rin siya gising? Anong tingin--"
"Dad, can you please stop? Inatake na't lahat lahat si Mom, she's in a comma pero aawayin mo pa rin? Dad naman! Maawa ka nama--" napatigil ako ng sampalin ako ni Dad.
"Wala kang pakialam! Magsama kayo ng kuya mong walang ginawa kundi kampihan ang nanay niyo." tapos lumabas na siya sa kwarto.
Wala akong nagawa kundi umiyak. Mom had a heart attack nung nakaraan dahil sa sobrang galit kay Dad. I hate Dad because he's the reason why Mom had a heart attack pero parang wala lang iyon sa kanya, siya pa ang may ganang magalit ngayon.
Bumukas ang pinto kaya napalingon ako, "Kuya..." sambit ko.
Mabilis niyang inilapag ang mga gamit niya at lumapit sa akin, "A-Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"Si Dad..." at di na ako nakapagsalita sa kakaiyak.
Niyakap na lang ako ni kuya, "Maayos natin ito. Malalaman din natin kung bakit nagkakaganito si Dad. I promise." sabi niya sa akin.
*******
"Cielle, eto pinabibigay ni Clarisse. Mga activities daw yan na na'miss mo dahil absent ka. Sigurado ka bang ayaw mong ipaalam sa kanya ang nangyari? Para naman alam niya kung bakit ka umaabsent." sabi ni Kuya.
Umiling ako, "Wag na. Mag-aalala lang yun. Okay ng alam niyang buhay pa ako. Thanks for this, Kuya. Gagawin ko na lang 'to mamaya kapag nakauwi ako sa bahay. Hindi naman dun ngayon umuuwi si Dad kaya okay lang na dun ako mag'stay." sabi ko at tinago yung mga task sheets.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?