chapter 1:simula

33K 699 53
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

"Mommy, bakit naka empake ang mga gamit ko saan tayo pupunta?"excited na tanong ko kay Mommy.

Saglit na natigilan si mommy sa pagluluto niya ng aming hapunan. "darling, napagusapan namin ng papa mo na, sa Pilipinas ka muna magi'istay" sagot sa akin ni mama

"Wh-What? you're joking right? pinagtitripan niyo lang ako nina Kuya no? Woi Kuya asan ka?! lakas ng tama mo ha! ginamit mo pa si Mommy." sabi ko at tatawa tawa pa ako. Kahit ang totoo kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ni Mommy.

"Im not joking darling,---"

biglang sumingit si Kuya Eros

"Anong namiss ko?" masayang sabi ni Kuya Eros pagkapasok niya at humalik sa akin at kay Mommy.

"Kuya, ipapatapon nila ako sa Pilipinas." sumbong ko kay Kuya

"What? Mommy di naman pwede yun. Anong-- sino naman magbabantay sa kanya dun? She's not safe there, wala ako." sabi ni Kuya. Mahal na mahal ko talaga si Kuya lagi niya akong kinakampihan sa lahat ng oras. :D

"She'll be staying with your tita Madel dun sa pinsan nyong si Aliyah. remember her?" sabi ni Mommy

"No, di ako papayag she's just 17 she can't handle herself masyadong magulo ang Pilipinas Mommy." sagot ni Kuya at talaga nga namang may lawyer ako dito oh! thank you naman sa aking poging poging Kuya Eros :)

"Papayag ka o kukunin ko ang kotse mo you choose?" tanong ni Mommy kay Kuya.

uh-oh this is bad. Hindi yan. hindi naman siguro ako ipagpapalit ng kuya ko sa kotse niya no? HINDI NAMAN DI--

"Alam mo Erliyah magandang matuto kang mapag-isa hindi naman habang buhay kasama mo kami e. Tingin ko naman di ka papabayaan ni tita Madel at diba close naman kayo ni Iyah? diba diba???? Kelan ba alis mo?" sabi ni Kuya sa akin. wut?

0____________0

Kulang na lang batukan ko ng isang malakas si Kuya Eros pinagpalit niya ako sa Kotse? -.- really? he do love me a lot I can feel it!

"Salamat ha? maraming salamat napakabuti mong kapatid, Tsh!" sabi ko at nilayasan ko na sila dun.

~dinner time~

Wala ako sa mood kumain pinilit lang ako ni Kuya bumaba at wala siyang ginawa kundi magsorry at maglambing nagdala pa ng pang peace offering.

"Bakit malungkot ang prinsesa ko?" tanong sa akin ni Daddy habang kumakain.

"Dad, can you really do that to me? ipapatapon mo ba talaga ako dun sa Pilipinas. Ayos naman tayo dito sa Canada ah? mabait naman ako di'ba? bakit ba biglaan?" sabi ko kay Daddy naguguluhan kasi ako kung ano ba yung reason niya para bigla biglang magdesisyon ng ganun.

"Darling, walang malalim na dahilan. I just want you to experience living there. dun kami lumaki ng mama mo. That's a nice place. Magugustuhan mo dun I promise. I want you to be an independent young lady in the future darling..." malambing na sagot sa akin ni Daddy.

"Whatever Dad, how long will I stay there?" iritadong sagot ko.

"A year maybe?" sagot ni daddy

*acccckkkkk* sabay kaming nabulunan ni Kuya sa sinabi ni Daddy

"A year? freaking one year?!" sabay naming sigaw ni Kuya

"Paano ang pag-aaral ko? Dad." hysterical na tanong ko. Im freaking out. A year? masyadong matagal yun.

"Yeah, naayos na din namin ang papers mo. Mag-aaral ka dun sa pinapasukang international school ni Iyah." sabat ni Mommy.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon