[ALIYAH MAE MADRID]
"Hoy cous' nakikinig ka ba? kanina pa ko nagkwekwento dito! Ano bang iniisip mo?" tanong ko kay Erliyah kanina ko pa di makausap ng matino to mula ng galing siya library.
"Ha? ah. wa-wala naman, ituloy mo na nga ulit yung kwento mo!" sabi niya sa akin.
"Well, as I was saying may engineering student na gustong manligaw sa akin, mabait naman at gwapo. Ano sa tingin mo? payagan ko ba?" tanong ko sa kanya.
"Letche ka, akala ko naman kung ano yung kwinekwento mo. Ayun lang pala! " sabi niya pagkatapos akong batukan.
"Buti nga sinabi ko sa'yo e." tampong sabi ko.
"Tsh. Sino naman yan? kilala na ba nila yan? Matino ba yan. Naku ikaw Iyah!" sabi ni Erliyah sa akin.
"Ipapakilala ko pa lang naman, tingin mo ba okay lang sa kanila?" tanong ko.
"Siguro? dapat makilala yan ni Silver. Paniguradong bugbog yun sa best friend mo. hahahaha!" biro ni Erliyah.
"Tignan mo andyan na pala sila!" sabay turo niya kay na Silver at sa girls.
"Hi! penge nga ako niyan Em. " sabay kumuha si Blake dun sa chips na kinakain namin.
"Hoy. Aliyah Mae Madrid! ano tong nababalitaan ko ha?" may halong paglilitiis sa boses ni Lesley.
"Na ano na naman?" takang tanong ko.
"May umaaligid daw sa iyong engineering student." what? alam na agad niya.
"What?" buga ni Silver sa iniinom niya juice.
Sari saring reaksyon ang natanggap ng balita mula sa kanila.
"Sino naman yang nagkamaling lapitan ka Iyah? hahaha!" biro ni Lay
"Anong nagkamali ka dyan. Hoy Lay nagbibiro ka ba?" asar na sabi ko. Bakit ba ako na lang lagi napag-iinitan ng mga ito.
"Hahaha. So sino nga? " tanong sa akin ni Nicole.
"Ah. si Greco Perez engineering student half Korean half Filipino." sagot ko.
"Greco Perez? kasama ko yun sa basketball team ah." sabi ni Luis.
"Tama tama. Varsity natin siya!" masayang dagdag ko.
"Eh ano naman kung varsity siya?" masungit na tanong ni Silver at umalis na kaya naman nagtaka ako.
"A-anong nangyari kay Pilak?" takang tanong ko.
"Nagseselos yun." sagot sa akin ni Blake
"Nagseselos? bakit naman sinabi ko naman sa kanya ah." sagot ko.
"Manhid naman. Alis na nga ako sundan ko na lang si pareng Silver." sabi sa amin ni Blake.
"A-Anong meron?" takang tanong ko.
"Hay nako Cous' baka kasi nagtatampo si Silver diba?" sabi sa akin ni Erliyah.
"Nako lagot ka! bumawi ka dun. tskkk!" pambubuyo sa akin ni Kurt.
"Oo mamaya, tsh! ang drama niya." sabi ko at ininom yung natitira kong juice. Nagkwentuhan lang kami sa vacant namin at sabay sabay na pumasok para sa susunod naming klase.
[SILVER JUDE KIM]
Anak ng tokwa! Sino yung Greco Perez na yan? bakit di ko siya nabantayan? nakakainis.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?