[SEDRIC HUN DE MESA]
Busy kaming lahat sa paglalagay ng gamit namin sa sasakyan. Ngayon kami pupunta ng Batangas para sa 3days 2nights vacation namin.
"Okay na ba?" tanong ni Silver.
Buti na lang at may shuttle bus sina Silver kaya wala kaming hassle sa transpo.
"Okay na. Asan na yung girls?" tanong ko. Kanina pa sila umalis para bumili ng pagkain, it's 4am kaya medyo madilim pa ang paligid.
"Di pa nakakabalik pero don't worry, kasama nila si Luis, Blake at Kurt. Chill ka lang! Malamang natagalan sila kasi ang daming binili ni Kurt na pagkain. Hahahaha!" biro ni Chase.
*******
"Sorry antagal namin. Bumili kami ng breakfast natin and Kurt bought almost all the foods sa 7/11. Hahahaha!" sabi ni Aliyah. Agad naman kaming tumulong sa mga binili nila."Guys? Andami niyo namang binili?! Batangas lang tayo pupunta ah hindi sa Tawi Tawi." sabi ni Amiel.
"Kaninong pera naman ang winaldas niyo?" tanong ni Drake habang kinakalkal ang mga pinamili.
"Kanino pa ba?" tas nilabas ni Aliyah ang mahiwagang card ni Silver. Oo nga naman, kanino pa ba? Edi sa nabubuhay na ATM machine. Hahahaha!
"Hehe! Salamat Silver." halos sabay sabay naming sabi.
"Tsk. May magagawa pa ba ako? Hahaha." sabi ni Silver. Si Erliyah at Valerie ang nagpamigay ng light breakfast namin. Habang yung iba, inaayos lahat ng pinamili.
"Bilis na, magsiupo na kayo para maka-alis na tayo." sabi ni Belle. Di mo na talaga maiaalis kay Belle ang leader-instinct niya. Hahaha! Sumunod naman kami sa kanya, takot na lang namin sa kanya. By couples kami umupo, yung mga walang kapartner naman nagsolo solo. Mga madadrama kasi sila eh. Hahaha!
"Whooo~" sigaw namin ng umandar na ang sinasakyan namin. Automatic na umingay agad sa sasakyan, dahil sa bunganga nina Blake, Chase at Luis. Nagpatugtog din si Charlie kaya naman nag kantahan na ang lahat.
"Sedric!!!" nilingon ko naman si Luis.
"Bakit?!" tanong ko.
"Naalala mo dati? Yung paalis din kami papuntang Batangas? Hahaha! Si Lesley nabeastmode sa'yo kasi--"
"Manahimik ka dyan Luis!!!!" sigaw ni Lesley at binato ng kutsara si Luis. Kaya nagtawanan kaming lahat.
"Bakit? Naalala ko lang. Pwahaha! Yes naman, ngayon di na sila mag-aaway kasi parehas na silang pupuntang Batangas. Yiiie!!!" asar pa ni Luis. Nakisabay na rin yung iba sa pang-aasar. Oo, naaalala ko iyon, di ako sumama nun kasi nagpaplano ako para sa birthday niya.
Nilingon ko naman si Lesley, namumula ang mukha niya.
"Kinikilig ka o naasar ka na kay Luis? Hahaha! Gusto mo ba pababain ko na siya?" tanong ko.
"Ewan ko sa'yo." sabay nagtalukbong ng jacket niya.
Aish! Peste, si Luis nang-aasar, bakit pati sa akin inis to? -_-
Kinalabit ko naman siya, pero di niya ako pinapansin. Nilabas ko ang phone ko at earphones ko.
"Do you want to know a secret?" tanong ko sa kanya, alam kong nadinig niya ako kahit hindi siya umimik.
"Isa lang kanta ko sa phone. Super crush ko kasi yung kumanta nito eh." sabi ko. Tinanggal niya ang jacket na nakatalukbong sa kanya. She glared at me kaya napataas ako ng kamay.
"Sino yan?! Ariana Grande?! Taylor Swift?! Selena Gomez?! Sino?!" asar na tanong niya.
Sinet ko na yung kanta. Tapos nilagay ko yung isang earphone sa tenga niya at isinuot ko na yung isa sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?