[ERLIYAH MAE SANTOS]
BLAAAAGGGGG ...
Umalingawngaw ang pagkabasag ng basong natabig ko. Bakit siya nandito? Napahawak ako kay Kristofer.
"Okay ka lang? Bakit ka nanginginig?" sinserong tanong niya sa akin.
"Wa-wala... Na-nagulat kasi ako." sagot ko. Pinalipat na lang kami ng table dahil nga nakabasag ako at baka may mabubog pa.
Hanggang ngayon ay nangingig pa rin ako. Bakit ganun?
"Iha that's Kristofer's--"
"Kilala ko po siya Tita." sabi ko kaya nabigla silang lahat maging si Kristofer sa tabi ko.
"Really? How?" tanong ni Tita. Tumingin naman ako sa kanya at nag-iwas siya sa akin ng tingin.
"Si--" pasagot na ako ng sumagot rin siya.
"I met her sa MIS noong dadalawin ko sana si Kristofer." sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. Anong sinasabi niya?! Hindi iyon totoo pero pinili ko na lang na manahimik.
"Ahhh ganun ba? By the way she's Kristofer's girlfriend." sabi ni Tita.
Kaya napa ubo siya."Really? Hindi ko alam na girlfriend ka pala ni Kristofer. Dapat sinabi mo sa akin noong nagkita tayo." sabi niya. Kaya kinabahan ako. Hindi ako mapakali sa sinabi niya. Andaming tanong sa isip ko. Anong ginagawa niya dito? Anong koneksyon niya kay Kristofer? Anong sasabihin ko?
"Pwede ba kitang maka-usap? Yung tayong dalawa lang." halos manigas ako sa kinauupuan ko ng madinig ko ang sinabi niya.
"At bakit mo naman kakausapin ang girlfriend ko?!" sigaw ni Kristofer sabay hinawakan niya ako sa kamay.
"Kristofer don't make a scene." suway ng Mommy niya.
I tapped Kristofer's shoulder "okay lang." sabi ko at tumayo na kaming dalawa.
"Pero--"
"Akong bahala. Kaya ko ito. Dyan ka lang Baba." bulong ko at sumunod na sa labas.
******
"Anong ginagawa mo dito?" panimula niya.
"Ako po ang dapat nagtatanong niyan. Ano pong ginagawa niyo dito? At kaano ano mo si Kristofer?" matapang na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?