Chapter 76 (part 3)

5.8K 187 16
                                    

[THUNDER HUANG]

"Thunder..." at nakaramdam ako ng mahihinang tapik. Iminulat ko ang mata ko at kusa akong napangiti. Nakakita ako ng anghel, nasa langit na ba ako?

"Thunder..." ulit pa niya. Ang saya sa pakiramdam.

"Anak ng tokwa! Thunder! Di ka pa ba babangon dyan?!" agad akong nagmulat ng mata. Kanina lang anghel ang nakikita ko, bakit naman galit na galit itong isa na ito?!

"Vale..." I murmured.

"Tumayo ka na dyan! Bilis! Tayo na lang nandito." sabi niya at hinampas pa ako ng unan.

Hinila ko siya pahiga, patabi sa akin at yumakap.

"T-Thunder! A-Ano ba?!" angal niya at pinipilit kumawala sa yakap ko.

"Stay still. Wala akong gagawing masama. Tiwala ka naman sa akin, di'ba?" sabi ko. Kumalma naman siya at nanatili na lang na nakahiga.

"Good morning, Vale." then I hugged her tighter.

"Morning." sagot niya.

Nagtagpo ang tingin namin, I just smiled at her but she looked away. Kinikilig siguro. Hahahaha!

Kung araw araw sana siya ang unang taong makikita ko paggising ay siguradong buo na agad ang araw ko. At hindi rin naman iyon imposible, years from now, I'll make sure that I'll wake up next to this girl everyday.

"Ano na namang iniisip mo dyan? Mamaya pinag-iisipan mo na ako ng masama ah? Thunder, sasapakin talaga kita." banta niya.

Napangiti na lang ako. Ang sadista ng girlfriend ko. "Ano namang gagawin ko sa'yo? Vale, I know my limitations. Alam ko ang dapat at hindi dapat nating gawin." sagot ko.

Naupo naman siya, "Mabuti naman at alam mo. Tara na! Nasa may dagat na sila." aya niya.

"One last hug at tatayo na ako." sabi ko tapos hinila ko ulit siya payakap sa akin, this time she hugged me back.

****
Kumuha ako ng jacket at lumabas na kami sa kwarto namin. Last day na namin dito, mamayang hapon ay uuwi na kaming Manila. Nakakalungkot nga eh, ang saya pa naman dito.
At dahil nga last day, nag-aya yung girls na panoodin daw namin ang sunrise dun sa may dagat. Pumayag na kami dahil last naman na. Kaya ito kami ngayon ni Vale, papuntang dagat.

"Ang bagal niyo naman! Bilisan niyo!" sigaw ni Blake sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Valerie at tumakbo na kami papunta sa kanila.

"Wala pa naman di'ba?" hingal na tanong ni Valerie.

"Wala pa, 5 minutes pa." sagot ni Drake.

Nandito na pala silang lahat, hindi pala nagbibiro si Valerie kanina na kami na lang ang wala.

Nilapitan ko si Chase, "Aray! Para san yun?!" angal niya matapos kong batukan.

"Kasama mo na ako sa kwarto di mo pa ako ginising?" sabi ko.

"Pasalamat ka nga sa akin eh! Si Valerie pa mismo naggising sa'yo, bakit ayaw mo ba?!" asar niyang sabi. Ay oo nga no? Kung ginising niya ako ay hindi si Valerie ang gigising at bubungad sa aking umaga.

"Joke lang pre! Thank you pala. Hahahaha!" sabi ko at pabirong niyakap ko siya.

"Namo ka!" sabi niya.

******
Nakahilera kaming lahat, unti unti ng sumisikat ang araw. Lahat kami ay nakatingin sa napakagandang sunrise. Tinignan ko naman ang mga kasama ko, kahit mga mukhang antok pa sila, nakangiti rin sila dahil sa sunrise.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon