Chapter 55

6.1K 229 4
                                    

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

"Bakit ang aga mo? May assignment ba?" sabi ko kay Erliyah. Kaming dalawa palang kasi ang nandito sa room I mean sa aming grupo. Mga late talaga sila pumasok. Si Charlie naman daw hinatid lang si Erliyah dito sa room tapos pumunta na nang SC office. Busy ang mga officers dahil malapit na ang masquerade ball. First time iyon kaya sigurado akong magiging memorable iyon.

"Wala naman. Maaga ako nagising e. Hahahaha!" sagot niya

"Oh talaga? Hahahaha. Saan pinsan mo?" takang tanong ko.

"Si Silver kasabay e. Nag-breakfast pa ata yung dalawa." sabi niya. Hay nako! Yung dalawang iyon aba di na mapaghiwalay ah.

"Daldal ka ng daldal dyan Valerie. Nag review ka na ba?" sita sa akin nang kapapasok lang na si Thunder. In fairness ang aga niya ah. But wait what?! Review?!

"Review?! Bakit may quiz ba ngayon?! Hala hindi ko alam!!!" sigaw ko at kinuha ko yung binders ko. May nag-announce ba nang quiz kahapon? Oh no. Di ako nakapagreview ToT

Umupo naman si Thunder sa pwesto niya at tumingin sa akin. "Papasagutin na kasi kita." sabay kumindat sa akin.

Ramdam kong namula ang buong mukha ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa asar ko.

"Thunder Huang!!??!!! Wag kang magpapakita sa akin mapapatay talaga kita!" sigaw ko sa kanya at pinagbabato ko siya nang kung anong makuha ko.

"Oy kalma! Hahahaha... Si Thunder talaga puro pick up lines. Medyo corny. Hahahaha!!!" sabi ni Erliyah habang kinakalma ako. Buti na lang lumabas si Thunder nang room kundi sinasabi ko sa inyo tatalupan ko nang buhay yun si Thunder.

Nakakaasar! Hindi ba niya titigilan ang mga nakakadiring linya niya? Halos masuka nga ako kapag bigla bigla siyang magsasalita nang mga ganun. Ano bang ginawa ko bakit siya ganyan sa akin? Naiistress ako.

Naupo na lang ako doon at pumikit. Grabe! Hindi talaga pumapalya si Thunder na sirain ang araw ko.

"Pumasok pa ba dito si Thunder?" tanong nang kararating lang na si Belle.

"Oo kaso lumabas din. Alam mo na kung bakit. Hahaha!" sagot ni Erliyah sabay tumuro sa akin.

"Talaga? Akala ko ba magpapaexcuse siya?" takang sabi ni Belle. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Excuse? Bakit naman?" tanong ko.

"Di ba halata? May sakit kaya siya. Sabi ko nga ako na bahalang magsabi sa inyo pati na rin sa mga professors. Eh hindi ko naman alam na didiretso pa rin pala siya dito sa room." sagot niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Erliyah.

Inaway ko pa naman siya at kung ano ano ang pinagsasabi tapos pinagbabato ko pa siya. Fudge! Naguguilty ako sa ginawa ko sa kanya.

"Oh saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Belle.

"I'll find him." I answered tapos lumabas na ako ng room.

-------
Nagtanong tanong ako kung nakita ba nila si Thunder pero wala, hindi daw nila alam. Kung kelan naman kailangan ko nang mga chismoso at chismosa tsaka walang nakakita sa kanya -.-

Tinignan ko na siya sa clinic, library, cafe at maging sa rooftop. Nag baka sakali akong nandun siya pero wala. Pumunta din ako sa tambayan nila pero wala rin siya doon. Umuwi na kaya siya? Pero nasa room pa ang bag niya. Hay nako! Saan ko hahanapin iyon?

Napatigil ako nang nakita ko ang medyo makipot na daan papuntang maintenance bldg. wala naman sigurong masama kung titignan ko siya doon hindi ba? Kaya kahit medyo nakakatakot pumunta doon ay tumuloy ako.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon