[ERCIELLE JUNG]
Kring... Kring...
"Kuya? Napatawag ka?" sagot ko sa tawag.
'Kamusta? Madami ka bang namiss na topics?' tanong niya.
"Hmmm, madami din, one week akong wala eh. Bakit ka tumawag? I'm sure hindi lang iyon ang sasabihin mo." sabi ko.
I heard him sighed, 'Nakita mo na ba ulit si Toffee?' tanong niya.
Natigilan naman ako, "Hindi pa." sagot ko. Ngayon na lang ulit ako nakapasok, sabi kasi ni Kuya siya naman daw ang a'absent dahil madami na akong na'miss na activities. Pagkapasok ko kanina ay mangiyak ngiyak pa si Clarisse na sinalubong ako. Kesyo bakit daw hindi ako nagsasabi sa kanya ng mga nangyayari at kung ano ano pa. Sinabi na rin niya sa akin ang tungkol kay KM, kalat na kalat daw sa architecture department ang pagpapabalik balik niya doon. Mamaya pa ang klase ko sa kanila at hindi ko alam kung kakayanin ko ba siyang harapin. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
'Cielle? Are you still there?'
"A-Ah. Oo, sorry." sabi ko na lang.
'May klase ka pa ba?'
"Meron pa." sagot ko. But I don't feel like going to my class today. Eto ang panget kapag nasanay kang absent eh!
'I see. I have something important to tell you. Pero siguro mamaya na lang kapag nakauwi ka na.'
"About what?" tanong ko.
'Tsaka na. Let's talk later, Cielle. Ingat ka!'
"Kuya! Sabihin mo na, you got me curious. Ano ba iyon? Siguradong iisipin ko pa iyan kapag hindi mo pa sinabi ngayon." protesta ko.
'Cielle, hindi sa phone call sinasabi ang mga ganitong bagay. It's a serious matter.' sabi niya and I heard him sob. Did I heard it right?
"K-Kuya? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong ko. My eyes started to blurry. What's it this time? Bakit umiiyak si Kuya?
'Cielle...'
"A-Ano yun kuya? Sabihin mo na, please? Asan ka ba? Pupuntahin kita." sabi ko.
'Cielle...' at mas lalo kong nadinig ang iyak ni kuya.
"Sabihin mo na, please." pakiusap ko.
'Cielle, hindi natin totoong ama si Daddy. I hired a detective kaya ko nalaman. And I found out that Daddy did the same, ngayon lang din niya nalaman na hindi niya tayo tunay na mga anak. We're Mom's children from another man, kaya sila madalas mag-away ni Daddy ay nalaman niya iyon. Tinago sa atin ni Mom lahat, ngayon hindi ko alam kung paano ko haharapin si Dad. I hated him so much but it turns out he was also hurt. He's just hurt kaya niya ito nagawa. Cielle, hindi ko na alam ang gagawin natin.' Then he bursted out in tears.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?