Chapter 51

6.7K 211 16
                                    

[BELLE MARIE TOLENTINO]

"Asan na si Mico?" tanong sa akin ni Charlie.

"Tss. Malalate daw siya. Traffic daw kasi." sagot ko.

"Aish! Nandito na yung mga tao. Tsaka limited lang yung oras na pinayagan tayong gamitin ang Auditorium. Mapapagalitan tayo ni Miss Mendoza kapag nag-extend tayo at ganito kaingay ang students." sabi ni Clar.

"Entertain them first. I'll talk to Miss Mendoza." utos ni Charlie sa amin sabay umalis. Wala kaming magagawa kundi sundin ang president. Pero ano daw? Entertain them?

"Anong sinabi ni Pres? Entertain them? Anong gagawin natin?" takang tanong ni Clar.

Tiyak na mapapagalitan kami nito kapag wala pa akong ginawa bilang ako ang Vice President ng SC. Masyadong maingay ang mga estudyante dahil kanina pa sila nasa loob at wala pa rin ang kahit sino ang lumalabas. Paano si Mico ngayon pa nalate e siya ang magdidiscuss nang mga activities.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Ashton sa akin.

"I'll handle it." sabi ko at lumabas na ako sa stage.

"Students please calm down. Nalate lang si Mico and we're really sorry na pinapunta namin kayo ng maaga pero di naman kami agad nakapagsimula. We're going to discuss some important activities that we'll be having for this semester. I know that you'll surely love these activities. Thank you." sabi ko at bumalik na ulit ako sa likod.

"Ano nandyan na si Mico?" tanong ko.

"W-wala pa rin siya Vice e." sagot ni Brianna sa akin. Sumasakit ang ulo ko. Ayoko pa naman sa lahat yung mga ganitong scenario. Hayyy -.-

"I know what to do. Ako nang bahala." sabi ni Ashton at pumunta siya ng stage.

I guess he's going to entertain the students by having a talent show?

"Seriously Ashton?!" bulalas ni Clar habang pinapanood namin ang ginagawa niya.

Natawa naman ako. Hindi mapagpatol sa ganyan ang mga estudyante dito kaya siguradong walang mag vovolunteer dyan. "Hayaan mo siya Clar. Ginusto ni Ashton yan e." sabi ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon