Chapter 60

6.4K 218 34
                                    

[DRAKE OLIVER SERRANO]

"Ang kulit naman nitong Kurt na ito oh! Mamaya na nga may meeting pa tayo." sabi ni Belle sa gutom na Kurt. Hahahaha!

Nagpunta na sa harapan si Belle bilang siya ang presidente ng klase namin. "Guys, hindi naman siguro lingid sa kaalaman niyong lahat na umalis na si Cleo kahapon right? It's so sad that she didn't even tell us that she's planning to leave but we can't blame her. So let's just send her our messages thru sns if you want to. Is that okay?" sabi niya. Halata naman na nalungkot siya sa nangyari pero sa tingin ko mas okay na din na umalis si Cleo dito. Hindi naman sa dahil salbahe ako pero dahil iwas gulo na rin siguro na umalis siya. Pero obviously may bagong gulo na naman na namumuo sa amin. Tsk! Medyo bobo rin kasi si Kristofer e. Ang sabi ko sa kanya aminin niya, pero di ko sinabing biglain niya ang mga tao. Tsh. Bobo talaga.

"So my next concern is about the team building which will be held on Saturday 'til Sunday morning." kanya kanyang reaksyon ang mga kaklase namin kesyo nakaka'excite daw
Ako? Wala lang. Tsh! Wala naman dito ang girlfriend ko e. Puro pa gulo ang pinapasok nang mga kaibigan ko -.-

"So as instructed by our dean, 6 am ng saturday ay nandito na tayo sa school with all the things we need. Alam niyo naman na siguro iyon? Clothes, medicine if ever, hygienic things like that. Foods are allowed but not too much because the school will also provide us our food so most probably they're talking about snacks and such." agad namang nag-Yes si Kurt. Hay! Wala na siyang pag-asa -.-

"Bawal syempre ang mga armas, any pointed things that might hurt you or other person. No cigarettes and strictly no liquor allowed. Team building iyon at hindi party night. I'll be checking your baggages kaya siguraduhin niyong wala akong makikitang mga ganun dahil kung meron akong makita, sorry to say pero hindi ko na kayo pasasamahin pa sa team building. Is that clear?" sabi niya. Malamang susunod naman sila takot na lang nila kay Belle.
Hahahaha!

"If ever there'll be additional instructions I'll just inform you guys. For now you may take your break. Eat well." dagdag niya

Ano kayang mangyayari sa team building? Bigla akong na'excite. Hahahaha!

[LESLEY SHANE CABRERA]

"Yiiieee! Excited na ako sa team building natin. For sure masaya iyon!" bulalas ni Aliyah pagkalabas namin ng room.

Well, I'm excited too. Lalo na't mas madami kami ngayon pero hindi ko alam... para bang kinakabahan ako. Tsh! Napapraning lang siguro ako.

"San tayo kakain?" tanong ni Nics.

"Kahit saan basta may pagkain." sagot ni Valerie.

Hindi kasi namin kasama ngayon yung boys. May mga sari sarili kasi silang aasikasuhin sabi nila.

Tsaka okay na rin iyon. Sa totoo lang, medyo awkward kapag magkakasama kami ngayon. Hindi naman kasi kapansin pansin na may gusto na pala si Kristofer kay Erliyah. What a surprise right? Ang cold prince ay tao pa rin pala, naiinlove. Actually nitong mga nakaraan palaging lutang at di makausap ng matino si Erliyah. Maybe she haven't digested yet that two of the most famous? guys in the school is into her. Well, that's hard. Paano ka naman makakapili sa dalawang taong halos magkabaliktad ang ugali? pero I think she's already into someone. Noon pa.

While we're walking, someone caught my eyes. Oh! Why are they together?

[CHARLIE PARK]

Sabay kaming naglalakad ngayon. Madaming nakatingin sa amin at marami ding bulung bulungan. Hayy! Mahirap din pala ang madaming tao ang humahanga sa inyo, madaming nakabantay sa igagalaw niyo.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon