[KRISTOFER MONFORT WU]
It's 5:30 in the morning and I'm up. Ang lamig talaga dito sa Baguio kapag madaling araw. Today is the last day for our team building. Hanggang lunch lang ata kami dito at uuwi na ulit kami nang Manila.
Tsk! Ang tagal naman niya -.- Asan na ba siya? Ayun! Natanaw ko na siyang papalapit sa akin na nakabusangot. Still cute for me. Tss.
"Morning." bati ko.
"Morning? Seriously Kristofer! 5:30 in the morning and you called me to meet you." bungad niya.
"But still you're here. Stop ranting." I said.
"Konsyensya ko na naman kasi kapag di kita pinuntahan dito. Tsk!" sabi niya.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong niya.
"We'll go somewhere." at hinila ko na siya pasunod sa akin.
*****
"Whoooa! You brought your motor here?!" tanong niya
"Nope, pinasunod ko lang. Bilisan mo may hinahabol tayong oras." sabi ko. Sinuotan ko siya nang helmet. Tapos isinuot ko din ang jacket ko sa kanya. Tss! Ang lamig lamig tapos naka-ganun lang siya.
"T-Thanks!" sabi niya.
"Isa lang helmet?" tanong niya.
"Tss. Hindi nadala yung isa pang helmet. Okay na yan." sagot ko
"Akap." sabi ko.
"H-Huh?"
"Tss." at inilagay ko yung dalawang kamay niya sa bewang ko.
"Wag mong aalisin yan!" sabi ko. At pinaandar ko na ang motor ko. Naging maingat ako sa pagmomotor dahil angkas ko si Erliyah at madaming liko ang daan paakyat.
"Wow! Ang ganda." sabi niya habang tinitignan ang scenery sa dinadaanan namin.
"You'll see more later." I said.
******
"Ang saya! Ang fresh nang hangin! Ang ganda nang view! Coooooool~~~" sabi niya nang maka-akyat na kami. Dinala ko siya sa may bandang taas pa nang tinutuluyan namin."Kanina nagrereklamo ka pa. Tss!" sabi ko.
"Hehe! Kagigising ko lang kasi nun. Alam mo na. Lutang pa. Hahaha!" sagot niya.
"Oh! Oh! Oh my Gosh!!! Sunrise. Ba, sunrise!!!" tuwang tuwang sabi niya habang tinuturo ang sunrise.
"That's why I brought you here. Kitang kitang ang sunrise dito. You should thank me." sabi ko.
"Edi thank you! Hahaha." sabi niya.
Together we watch how beautiful the sunrise is. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya kaya napangiti na rin ako. I think she really liked it. I should bring her again to watch sunrise.
"Nakakatawang isipin..." sabi niya habang nakatingin sa sunrise.
Tumaas naman kilay ko. "Ang alin?" tanong ko.
"Na ikaw ang kasama kong panoodin ang sunrise. I find it very romantic kasi... But with you? hahaha! Nevermind." sabi niya.
"It's not romantic with me?" I asked.
"Yeah." prangkang sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako.
"It's not romantic... But I'm happy being with you. That's better right?" sabi niya at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Ficção AdolescenteDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?