[ALIYAH MAE MADRID]
"How's your trip? Masaya ba?" tanong ni Mommy. Kanina pa kami nakarating dito sa bahay. Si Em natutulog sa kwarto niya, ako naman nakikipag-kwentuhan kay Mommy. Hindi kasi ako inaantok.
"Ok lang. Masaya sobraaaaa~" sagot ko habang nilalaro si Ace yung aso ni Em.
"That's nice. Kasama niyo na si Jude doon di'ba?" Mas sanay kasi si Mommy tawagin si Silver by his second name.
"Malamang meh, sa kanila kami nag-stay e. Eyyy!" pamimilosopo ko.
"Di pa dumadalaw yun dito ah. Nagtatampo na ako." sabi ni Mommy
"Sige sabihin ko sa kanya kaso wag na ngayon. Malamang nagpapahinga iyon ngayon e." sagot ko.
"My, kelan dating ni Theo?" tanong ko. Super miss na miss ko na iyon si Theo e.
"Mamayang gabi nandito na iyon si Theo. Kaya wag na kayong magsi-alisan ni Em ha!" sabi niya. Nag-nod naman ako.
"Yeah. Promise." I said
Madami na kaming napagchikahan ni Mommy. Like school stuffs, si daddy , sina Tita and Tito, lovelife ni Erliyah XD eh shinare ko na close naman sila ni Mommy tsaka botong boto si Mommy kay Charlie.
"Eh ikaw wala bang nanliligaw sa'yo?" halos maibuga ko yung juice na iniinom ko sa tanong ni Mommy.
"Myyyyyy?! Ano ba namang tanong iyan?" sabi ko
"Hahahaha. Guilty ka ha? Akala mo wala akong alam? Hahaha." sabi ni Mommy kaya nanlaki ang mata ko.
"Anong alam mo My?" agad kong tanong.
"Secret. May sinabi sa akin ang daddy mo." si Daddy? Bakit nasama si Daddy dito? "Malalaman mo rin iyon." dagdag niya.
"My?! Ano nga iyon?" pangungulit ko.
"Secret nga muna. Hahaha"
"Excuse me po. Aliyah may naghahanap sa'yo. Pinapasok ko na kasi lagi naman siyang napupunta dito." sabi ni Manang kaya sabay kaming napalingon ni Mommy sa kasunod niya.
Anong ginagawa niya dito? And what's with the bouquet?!
"Oh you're here. Napakagwapo mo talagang bata." sabi ni Mommy.
"Ah. Hindi naman po." nahihiyang sagot niya.
Tumayo na ako at nilapitan siya.
"Anong ginagawa mo dito Blake? at bakit may bitbit kang bulaklak?" bulong ko pero bigla siyang humagalpak ng tawa."Assumera ng taon to' oh! Hahahahaha. Hindi para sa'yo yung flowers para to kay Tita. Tita for you." sabi niya at inabot yung flowers kay Mommy. Ayun ang lakas ng tawanan nilang dalawa. Medyo napahiya ako doon ah -.-
"What brings you here Blake?" tanong ni Mommy.
"Ah tita pwede ko po bang isamang lumabas si Aliyah?" tanong ni Blake. Naguguluhang tumingin sa akin si Mommy pero nagkibit balikat lang ako.
"Pero di'ba magkasama kayo sa Batangas? Kakauwi niyo lang ah." sabi ni Mommy
"Eh kasi tita may mahalaga akong sasabihin kay Aliyah e. Di ko nasabi nung vacation namin kasi nakalimutan ko. Sige na tita. Saglit lang naman e." sabi ni Blake. Agad akong kinabahan. Anong pag-uusapan namin? About ba kay Silver? Lumapit na ako kay Mommy.
"My, payagan mo na ako. Please? Saglit lang. Importante lang kasi." bulong ko.
"Sige papayagan ko kayo pero umuwi ka bago magdinner at pupunta si Theo dito." sabi ni Mommy at tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?