Chapter 69

6.4K 204 18
                                    

Author's note:
Foul words ahead! Hahaha. Be ready. Onti lang naman. 😂

[BLAKE HARPER BENITEZ]

Nandito ako at nakaupo sa likod ng halamanan. Shhhhh! Lang kayo ah? Kunwari detective ako. Ako si Detective Benitez! Hahahaha. Meron kasi akong napapansin kay Drake at Erliyah nitong mga nakaraan. Palagi silang magkasama at magkausap yung tipong lagi silang seryoso. Baka magulat na lang ako si Drake at Erliyah na pala ang magkatuluyan kaya sinundan ko sila ngayon. At base sa aking mga nadinig, hindi naman pala kagaya ng iniisip ko ang pinag-uusapan nila. Ayun pala iyon? Tsh! Talagang si Drake pa ah? Sabagay matino kasing mag-isip si Drake, hindi na rin masama.

"Hoy lumabas ka na dyan." halos atakihin ako sa puso ng sumilip sa taas ko si Drake.

"Ano bang sina-- Blake?! Kanina ka pa dyan?!" gulat na tanong ni Erliyah.

"Pre naman!!! Aatakihin ako sa puso sa'yo eh." inis na sabi ko.

"Tss. Edi sana di ka nakikinig sa usapan namin ni Erliyah. Ano masaya ka na? Nalaman mo na yung pinag-uusapan namin? Mukha kang engot na nakatago dyan alam mo yun?" tanong niya.

"A-Alam mong nandito ako?" gulat na tanong ko.

"Oo, tss. Kanina pa. Sinadya kong di ka pansinin para madinig mo ang usapan namin. Alam ko na kasi tumatakbo sa malisyoso mong isip." sagot niya at umismid. Napakamot na lang ako sa batok ko. Pahiya ako dun ah! ToT

"Blake, please don't tell others what you've heard." pakiusap ni Erliyah. Agad naman akong tumango.

"Naiintindihan ko naman kung bakit kay Drake ka nagpatulong at hindi sa iba." sabi ko. Agad naman akong niyakap ni Erliyah.

"Thanks Blakey boy!!" sabi niya.

"Pero... Kailan niyo balak gawin yan?" tanong ko. Tumungo naman si Erliyah na parang hindi niya gusto ang suggestion ni Drake.

"As soon as possible. Bukas? Next week? Kasi kung papatagalin pa ni Erliyah mas lalo lang siyang makakasakit." seryosong sabi ni Drake.

Naguguluhan na ba kayo kung anong pinag-uusapan namin? Ganito kasi yan, nalaman ko na nagpapatulong si Erliyah kay Drake kung sino ang dapat niyang piliin between Charlie and Kristofer. Tama si Drake kapag pinatagal pa ni Erliyah ang pagpili ay mas lalong masasaktan yung isa.

Naiintindihan ko kung bakit kay Drake siya nagpatulong, iba mag-isip si Drake malawak at hindi siya biased kung kanino papanig. Well, hindi rin naman nagbigay si Drake ng pangalan kung sino ang dapat piliin pero nagbigay siya ng mga sitwasyon at kundisyon kung san si Erliyah lang ang makakasagot.

Siguro nahihirapan si Erliyah pumili dahil magkapatid ang dalawa. Pero hindi naman pwedeng mag'sacrifice na naman siya. It's about time na pumili na siya.

"Tanggapin mo na lang Erliyah na makakasakit ka talaga. Alam nilang dalawa na maari silang masaktan kaya wag kang ma'guilty dyan. May isa kang masasaktan at may isa kang mapapasaya, ganun talaga yun." pagpapalubag ko ng loob sa kanya.

"Kahit minsan matino ka naman pala mag-isip Blake." sabi ni Drake. Kaya napatawa si Erliyah.

"Grabe?! Anong tingin mo sa akin?!" tanong ko pero tinawanan niya lang ako.

"Just like what I've said Erliyah, follow your heart. Korni mang pakinggan pero puso mo muna ang gamitin mo ngayon at wag ang isip. Yung isip kasi natin gumagawa ng mga problemang hindi naman talaga nag-eexist kaya tayo nahihirapan mag desisyon." napanganga na lang ako sa sinabi ni Drake. San niya napulot yun?! Ang galing!!!

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon