Chapter 17

10.3K 320 15
                                    

[BLAKE HARPER BENITEZ]

"Yow wassap kulisap yea yea!" bati ko kay na Charlie na nakakumpol dun sa may dulo ng room.

"Yow. Blakey boy!" at nakipag fist bump naman sa akin sina Lay at Luis.

"Aliyaaaaaaaah~" binigyan niya lang ako ng matalim na tingin. Haha! Wala pa nga akong ginagawa sinusungitan na niya agad ako hmp.

"Oh anong ganap natin dyan? Tahimik ng mundo ah." pagsisimula ko.

Paano ba naman yung mga lalaki kanya kanya ng ginagawa si Lay nagsusulat na naman ng mga kacornihan niya, si Luis may pinag-kakaabalahan sa cellphone niya, si Silver tahimik sa isang sulok at nagbabasa, si Charlie naglalaro sa phone niya. Si Kurt nawawala na naman malamang nasa cafe na naman yung matakaw na iyon. Pagbaling ko naman sa mga girls. Si Erliyah nagbabasa ng whoooaaa ang kapal nung librong binabasa niya nakakatamad yun -.- , si Valerie nakauuob sa desk niya, si Nicole naman nakikinig ng music tapos sumasayaw sayaw. Si Lesley ayun tulala na naman. Si Belle naman nawawala ewan ko kung saan pumunta.

"Hoy!" tapik ko kay Aliyah pero tinignan lang ako ng matalim.

"Hoy. Aliyah kamusta na?" kulit ko sa kanya.

"Ako nga wag mong pikunin Blake sa araw araw na ginawa ng diyos nagkikita tayo kung makatanong ka ng kamusta ako e parang di tayo nagkakasama sa isang room." sabi niya. Ano bang ginawa ko sa kanya at ganyan na naman ang mood niya.

"Tsh. Then let me change my question. Kamusta kayo ni pareng Silver?" tanong ko bigla naman niya akong hinigit at nagpalinga linga.

"Ano ba yan Blake itikom mo nga yang napaka ingay mong bibig paano kung may ibang makarinig ha?"

"Ano naman kung marinig nila?" takang tanong ko.

" Mr. Blake Harper Benitez. Unfortunately kayo lang ni Erliyah ang nakakaalam nitong bwisit na feelings na ito. So please? Utang na loob lang itikom mo yang maingay mong bibig mo." sagot niya.

Ahh. Kaya naman pala. Bakit ba kasi nalaman ko pa? Nasasaktan tuloy ako.

"Wala daw klase sabi ni Mr. Pantoja." announce ni Belle sa buong klase.

Yes! I have a plan. A very brilliant plan.

"Tara lunch tayo. My treat!" sabi ko sa kanila. Bigla naman silang naglingunan sa akin na parang di makapaniwala.

"Weh pre? baka naman kami din magbayad sa huli?" sabi ni Lay

"Tsk. seryoso to' minsan lang naman e. Tara na?" itinayo ko sila isa isa.

"Hoy kanya kanyang kotse dala. Sa akin na sasabay si Aliyah." nakita kong nagulat si Silver pero nagkunwari na lang siyang walang pakialam pati nga sina Erliyah ay nagulat.

"Teka Blake hindi ata maganda idea na magsama kayo ni Aliyah sa iisang kotse baka di na kayo maka-abot sa pupuntahan natin." singit ni Erliyah.

"Aalagaan ko ang pinsan mo don't you worry." at kumindat pa ako.

"Ok sige, Erliyah will be with me." sabi ni Charlie.

"Then Belle will come with me." sabi ni Lay.

"I guess I'll choose Valerie as my partner. haha!" sabi ni Luis.

"Si Nicole at Lesley ay sumabay na lang sa akin." sabi ni Silver.

"Ok. pasunurin niyo na lang si Kurt kung nasan mang lupalop ang matakaw na iyon." at isa isa na kaming nag-alisan.

---

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon