[BLAKE HARPER BENITEZ]
"Ganito ang takbo ng laro it's not the typical truth or dare. We'll spin the bottle twice, first person na matapan ang gagawa o sasagot. Second person na matapatan ng spin ang mag-uutos o magtatanong kung sino man ang natapatan ng first spin. Deal?" sabi ni Nicole. Isip talaga nito ni Nics.
"Astig! Deal!" sang-ayon nila. Ako naman napatango na lang.
"The questions are only answerable by yes or no. No explanations needed. Okay? Para iwas issue. Hahahaha!" dagdag ni Valerie.
"A-ano ba namang mga pauso niyo? M-mga baliw ba kayo? Ha-ha-ha" sabi ni Aliyah sa tabi ko na parang kinakabahan. Tinapik naman siya ni Kurt
"Ito naman. Minsan lang e. Tsaka ikaw lang ba matatapatan? Dose tayong nandito oh. Hahaha" sabi ni Kurt napaismid na lang tuloy si Aliyah.
"Oh game na. First spin." at inikot na ni Luis ang bote.
"Boom Aliyah! Hahaha. Ikaw kasi e. Ayan natapatan ka tuloy agad. Hahaha" asar sa kanya ni Erliyah.
"Shizz! Sabi ko na e. Ayoko talagang sumali e. Kakaasar!!!" rant niya sa tabi ko.
"Okay. Okay. Next spin!!!" sigaw ni Charlie at inikot na ang bote.
Napapikit ako at nag'wish na sana ako ang matapatan. Sana ako. Sana ako. Sana ako.
"Blakey~ ma boy. Open ya' eyes!!!" kunwaring slang na sabi ni Amiel. Napadilat ako at nakitang sa akin nakatapat ang bote.
"Truth or dare?" tanong nila. Tumingin muna ako kay Aliyah at para namang nangungusap ang mga mata niya.
"Truth" I answered. Lahat tuloy sila napatingin sa akin.
"You sure? Pa-pasayawin mo na-na lang kaya ako? Hahahaha" sabi ni Aliyah sa akin.
"Nope. Truth ang pinipili ko." sabi ko.
"What's your question Blake?" tanong ni Valerie
"Aliyah, ngayong nandito na si Silver will you still give me my chance to prove myself for you?" diretsong tanong ko.
"Blake. Bakit ganyan ang tanong mo? This is just a game. Ba--" pinutol ko ang sinasabi ni Erliyah.
"Gusto ko nang malaman." sabi ko ng nakatingin kay Aliyah.
"N-no." and she looked away. Mapait na napangiti ako.
"Go! Next spin. Fellas" sabi ko at inikot ang bote.
"Blake. I'm sorry. Hi--" bulong ni Aliyah.
"Shhh! No explanations daw. Sino nang natapatan?" baling ko sa iba.
Masakit. P*tangina Masakit!!!
[CHARLIE PARK]
"Aish. Siya rin gumagawa ng dahilan para saktan ang sarili niya." bulong ni Erliyah.
"Mas okay na yung ganyan, alam niya kung mageeffort pa ba siya o hindi na." sagot ko sa kanya kaya nagulat siya.
"Ahehehe! Nadinig mo pala." sabi niya.
Nagtuloy tuloy ang laro. First spin: Valerie second spin: Luis Truth ang pinili ni Luis kaya nagtanong ito.
"Do you think you'll ever fall for Thunder Huang?" nakangising tanong nito.
"NO!!!" sigaw niya. Hahahahaha!!! Nagtawanan kami sa sagot niya kung makasigaw naman kasi siya parang diring diri kay Thunder e.
First spin: Silver second spin: Blake. Pinili ni Blake ang 'truth'
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?